Advertisers

Advertisers

Barbie aminado, lampa sa totoong buhay

0 12

Advertisers

GUMAGANAP sa dual role bilang Monique at Dino si Barbie Forteza sa Maging Sino Ka Man.
Ano ang challenge ng role niya at paano niya na-handle ang pressure?
“Ang challenging po sa akin sa show na ito ay ang pagkakaroon po ng dalawang characters, si Monique at saka si Dino, challenging because the characterizations, the nuances, magkaibang-magkaiba.
“Pangalawa, yung palit ng look sa taping, which I need to commend our assistant director, dahil kinu-consider niya yung effort ko pag nagpapalit ako ng look from Monique to Dino or Dino to Monique.
“And yung physical demands of not just the character but the show itself, the genre, yung requirement na kailangan lagi kang ready sa action, ganun.
“E ako naman hindi naman ako sanay sa action talaga, lampa talaga ako sa totoong buhay, so isa po yun sa malalaking challenge sa akin sa proyektong ito, dahil parang ngayon na lang din po ulit ako nakatrabaho ng isang very macho na director.”
Si Enzo Williams na direktor nila sa Maging Sino Ka Man ang tinutukoy ni Barbie.
“Kasi parang maraming beses na kung hindi po babae ang direktor ko, babae at heart, so parang ngayon na lang po ulit ako nakatrabaho ng very macho, very masculine na director.
“So parang even the working environment, lahat lalake, so parang ako I really need to toughen up, ganun,” pahayag ni Barbie na leading man sa Maging Sino Ka Man si David Licauco bilang si Carding.
Kasama rin sa Maging Sino Ka Man sina Juancho Triviño as Gilbert, Faith Da Silva as Cleo, Mikoy Morales as Gordon a.k.a. Libag, Rain Matienzo as Tetay at sina Jeric Raval as Alex, Jean Saburit as Shonda, Juan Rodrigo as Miguel, Antonio Aquitania as Jonas, at Jean Garcia as Belinda Salazar.
May special participation sa serye sina Al Tantay as Osmundo at Tonton Gutierrez as George.
Umeere ito 8:00 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.
Napapanood din ito ng mga Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.
***
HATI raw ang comments na nakukuha ni Icee Ejercito pagdating sa kung sino ang mas kamukha niya; may nagsasabing kamukha siya ng ina niyang si Bernadette Allyson at may mga nagsasabi ring kamukha niya ang ama niyang si Gary Estrada.
Nakakatuwa naman ang sinabi ni Icee na hindi niya kayang panoorin ang mga pelikula ng mga magulang niya, isa nga lang na pelikula ni Gorio ang napanood niya, ang ‘Love Notes’.
“I like that movie.”
Passion daw talaga ni Icee ang musika kaya mas pinili niyang maging singer kaysa maging aktres.
“I could watch musical videos and performance on Youtube all day, I can sing all day, I dunno, I guess my love for music overpowered that [passion for acting].”
Malaki ang pasasalamat at kasiyahan ni Icee na isa na siya ngayong artist ng Universal Records.
“I’m very grateful to share this opportunity to share my talent and creativity to the world.
“I am very excited for this new path and journey I am about to embark on. I do feel nervous and pressured, of course, because I am entering a new chapter, a big industry and Universal Records, which is filled with many talented people.
“I am inspired to be surrounded by so much talent and I am excited to learn more through this experience.”