Advertisers

Advertisers

Deportable alien, arestado sa NAIA

0 11

Advertisers

NASAKOTE ng mga elemento ng Bureau of Immigration (BI) ang isang lalaking Chinese noong Lunes, September 18 na nahaharap sa kaso ng illegal gambling sa China.

Kinilala ang suspek na si Jiang Ning, 27, at naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Tinangka ng suspek na umalis ng bansa sakay ng Philippine Airlines patungong Kuala Lumpur, Malaysia, nang mapansin ng immigration officers ang derogatory record ng suspek sa kanilang sistema.



Nang beripikahin, nakumpirma na si Jiang ay hinahanap ng Interpol at wanted sa China dahil sa pagtatayo ng gambling group, na kumokontrol sa 14 gambling platforms at illegal profits sa China at sa Pilipinas.

Nabatid na ang kanyang grupo ay nag-o-operate mula 2014 hanggang 2021 at nakahikayat na ng mahigit 100 thousand Chinese para magsugal.

Mayroon na ring warrant of arrest ang suspek na ipinalabas ng Qijiang District Public Security Bureau of Chongqing Municipality. Siya ay kinasuhan sa pagbubukas ng casino na paglabag sa Criminal Law ng China, at nahaharap sa maximum penalty o pagkakakulong ng 10 taon

Agad na dinala ang suspek sa legal division ng BI upang masampahan ng kasong undesirability. Mananatili siya sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig, habang hinihintay ang kanyang deportasyon. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">