Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
ISANG pelikula ang tinatapos ngayon ni direk Francis Jun Posadas, ang true to life story ni Governor Edwin Jubahid na may simpleng titulo na “KUYA”.
Tampok na bida rito si Richard Quan.
Maraming eksenang aksiyon kaya timing na tinanggap ni Franco Miguel ang role ng isang bagman.
Kahit isang matagumpay na negosyante na si Franco, kapag may offer na challenging at isa pa si direk Posadas ang namahala, ay tatanggapin niya.
“Totoo ka, sabi ko pwede akong umarte. E, kaya ‘yung eksena namin, pinagbuti ko.
“May isang movie project na gagawin akong bida, pinaghahandaan ko. Hindi pa pwede sabihin sino ang makakasama,” ani Franco.
Well, dati siyang sexy-dramatic-action star Kaya swak siya sa mga action films.
***
HAMONADONG AKTOR, NAGBABALIK
TUNAY na isang health buff at kasama siya sa serye. Ikaw na may konek sa TV-lined producer kahit bano as in hamonadong umarte. Yes, gwapo at di gan’un kalakas ang appeal. Golden boy na siya at may tatlong anak. Hanga tayo, marunong dumiskarte.