Advertisers

Advertisers

Kiko at mga anak di manonood ng concert nina Sharon at Gabby

0 7

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

PAKIUSAP ni Sharon Cuneta na tigilan na ang pagsulat sa naging isyu sa kanila ng anak na si KC Concepcion. Sana naman daw ay tungkol sa concert nila ni Gabby Concepcion ang isulat.
Finally, pagkatapos ng apat na taon ay itinuloy na rin ang concert na pagsasamahan nila ni Gabby at ito ay para sa kanilang fans ng ex-husband na matagal nang inire-request na magsama sila uli sa isang concert.
Kaya naman kahit may kamahalan ang ticket ng concert ay bumili at bibili ang mga fans. Katunayan ang pinaka-mahal na ticket ang unang na-sold-out.
Grabe pa rin ang lakas ng magic nina Sharon at Gabby sa kanilang diehard fans na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin na sumusuporta kahit may kanya-kanyang nang pamilya ang dalawa.
Bawal pang i-announce ang mga guest sa concert at ang inihayag pa lang ay ang director na si Paolo Valenciano at ang musical director ay si Louie Ocampo.
Hindi masabi ni Sharon kung ilang oras tatagal ang concert pero ang target nila ay dalawang oras. Pero paano naman kung mag-request ng `more` ang fans?
Binuksan ni Sharon ang tungkol sa kanilang billing ni Gabby sa poster dahil nagtatanong ang kanyang fans kung bakit siya pumayag na mauna ang pangalan ni Gabby kaysa kanya.
Katuwiran ni Sharon, pagdating sa concert, pangalan niya ang mauuna sa billing.
“Kung may movie kaming gagawin, una dapat ang name ni Gabby sa billing, pero sa pagkanta, una ako. No problem with me. I know my place in the business. I need to give respect to Gabby. I want to give him the respect,” say ni Sharon.
Una ang pangalan ni Gabby sa poster ng concert bago ang pangalan niya. Pero sa ticket naman daw ay una ang pangalan ni Sharon.
Mala-K Pop ang galawan ni Sharon at ang team niya sa concert dahil maglalabas sila ng merchandise, “I will release the merch earlier. May t-shirt, may hoodle, may light stick, wait for it.”
Hindi manonood sa concert nila ni Gabby si former Senator Kiko Pangilinan at ang kanilang mga anak.
“Kiko and the kids will not watch the concert. Ayaw ko silang masaktan at ayaw kong mailang kami ni Gabby,” say ni Sharon.
Maaaring ganu`n din sa parte ni Gabby na hindi manonood ang wife niya at ang kanilang dalawang anak para makaiwas sa isyu na rin.
Ang sigurado ay manonood si KC at baka maging surprise guest pa ang kanilang first child, kahit sinabi na ni Sharon na wala sa guest list ang anak nila ni Gabby.
Ang gandang tingnan at panoorin kung makikita on stage ang tatlo na kumakanta at nagtatawanan dahil hindi na yun mauulit pa.
***
Vince Tanada nagtayo ng sariling artist center
INIHAYAG ni Attorney/ producer/director Vince Tanada sa press na nagtayo siya ng sariling artist center para mabigyan ng pagkakataon ang mga naghahangad na maging artista.
Bukod sa pagpo-produce ay magma-manage na rin siya ng mga talent at ilan nga sa kanyang ima-manage ay ang sikat na komedyante/host na si Donita Nose at ang female lead star ng Sapo sa Vivamax atbp.
Pangako niya kay Donita na bukod sa pagkanta at pagsasayaw ay igagawa rin niya ito ng movie na pagbibidahan.
Ang maganda sa pagtanggap na mga talents sa itinayong artist center ni Atty. Vince na tinawag na Vince Tanada Artist Management ay wala siyang kukuning commission sa lahat ng talent.
Gusto lang daw niya makatulong sa mga artist na magaling talaga sa pag-arte.
Nagsimula raw ang paghahangad niyang magtayo ng sariling artist center nang magkaroon siya ng problema sa pagkuha ng mga talent para sa pelikulang idinidirek.
Sa tagal at napakataas pa ng mga talent fee ay hindi raw makuha-kuha ang tamang pag-arte sa isang eksena.
Kaya naisipan niyang magtatag ng sariling talent agency para makasiguro na magagaling at hindi na siya mahihirapan pa magdirek.
Samantalang mapapanood na next month ang musical play na ididirek mismo ni Atty. Vince, ang dulang Hero Z na lahat ay makakapanood (general patronage).
Ang Bayani Love`s Hero ay mapapanood in theater venues all over the Philippines from October 2023 till August of 2024.
Tiniyak din ni Atty. Vince na sisigurihin niya na walang mangyayaring isyu sa lahat ng kanyang mga bagong talent na hahawakan.
Hindi rin uso kay Attorney ang contract sa mga makakapasa o makakapasok sa kanyang Artist Management. Trust ang importante sa kanya at dapat patunayan na may kakayahang umarte ang lahat sa harap ng camera at ang mga manonood sa kanilang live dancing peformance.