Advertisers
MASARAP ang paglalaro ng mga batang kalye at ‘di alintana ang mga nagdaraan. Walang sumisita bagkus tumatabi ang mga nagdaraan at nagpapasintabi ng ‘di matigil ang paglalaro ng mga paslit. Sa paglalaro tila naingayan ang katapat na bahay at dagling sinabuyan ng tubig ang mga batang naglalaro upang paalisin. Hindi tinanggap ang ginawang pananaboy at nagrason ang mga bata na hindi pag-aari ang lugar at alang karapatan na magpaalis. May dagdag pang, ano ka tsekwa’t paalisin kami sa kalye na aming laruan. Katwiran ng may ari ng bahay ang istorbong nagagawa ng mga ito. Ngunit nagpapatuloy ang mga bata sa paglalaro na nagngisi sa mga miron sa kakalsadahan.
Sa kabilang banda, naroon ang dalawang paslit na naglalaro ng bola at ‘di alintana ang init ng panahon. Walang usapin ang dalawa ng biglang umiyak ang isa sa naglalaro dahil inagawan at itinakbong palayo ang bolang pag-aari. Inangkin ng kalaro ang bolang pinaglalaruan gayong ‘di ito sa kanya. Nag-iiyak ang batang maliit na nakakuha ng pansin ng ilang nanonood at sinabihan na ibalik ang bolang pag-aari.
Kahit mali ang batang malaki dinaan sa tapang pag-angkin na kahit tinatanong ng mga miron nagsawalang kibo at patuloy sa paglayo at pag-angkin sa bolang ‘di pag-aari. Sinabihan ng may edad na miron na ibalik ang bolang ‘di pag-aari, nakipagmatigasan ang bata at ‘di tanggap ang sinabi ng matanda na ibalik sa batang umiiyak ang bola. Hanggang napilitan ilapit kay Kapitan ang usapin at kausapin ang magulang ng batang mapanuwag. Doon lang na ibinalik ang bola sa tamang may-ari. At napailing ang mga miron at sinabihang batang mapanuwag na huwag maging brusko sa kalaro.
Hindi nawalay ang mga nasilayan sa ibabaw, at habang nasa balitaang pambayan na dinaluhan tila magkahawig ang usapin ng mga batang nasilayan at ang napakingan. Sa umpukan ng mga tagapagbalita, pinag-uusapan ang kaganapan sa karagatan na pinag-aagawan ng mga bansa sa South East Asia, higit ng Tsina at Pilipinas. Sa pag-uusap nariyan ang mga eksperto na nagbabangit na pag-aari ng Pilipinas ang lugar na pinag-aagawan. Ngunit tulad ng kaganapan sa itaas, nariyan ang malaking bansa ng Tsina na mayaman at malakas na sandatahang na ‘di ibig ang pagnanasa na ibigay ang teritoryong pag-aari ng bansa. Sa magkabangang tindig, inilapit ng Pilipinas sa UN ang usapin. Dininig sa UNCLOS o United Nation Convention on the Law of the Sea ang usapin at pinakinggan ang mga panig. At sa pagdinig, nakamit ng bansa ang pagsang ayon ng UNCLOS na pag-aari ang lugar na pinag-aagawan. At sa pagsasabing pag-aari ng Pilipinas ang bahagi ng nabangit na karagatan, hindi nagbaba ng pagsang-ayon o kinilala ng Tsina ang pasyang nabangit. Sa halip, pinaigting ang pagpapaikot ng mga tauhan sa WPS at nakuhang itaboy ang mga pamalakayang Pinoy sa lugar. At hindi nagtagal maging ang mga sasakyang pandagat na pag-aari ng Pilipinas ay itinaboy ng Tsekwa gamit ang water cannon ng Coast Guard ng Tsina. At malinaw na pagsuway sa pasyang inilatag ng UNCLOS.
Hindi natigil ang pang aagaw sa teritoryong pag-aari ng bansa ang mga Tsekwa sa halip idinaan sa laki at lakas ng sandatahang pandagat ng Tsina ang usapin ng pag-aari. Hindi kinilala ang pasya ng UNCLOS sa tulong ng aso ni Onse na si Totoy Kulambo. Hinayaan ni Totoy Kulambo ang mga tauhan ni Onse sa pagtatayo ng maraming isla-islahan upang maging himpilan ng bantay sa pinag-aagawang karagatan. Nagpatuloy ang pagtatayo ng Tsekwa ng isla’t imprastraktura sa WPS na naging karaniwan na ang pagtaboy ng sasakyan pandagat ng Pilipnas na ngayo’y malaking problema ng bansa. Ang pagpapabaya ng pamahalaan ni Totoy Kulambo’y tila bangungot ‘di lang ng bansa, maging ng international community na dumadaan sa malapit na lagusan ng mga kalakal sa daigdig.
Ang gawaing panunuwag ng Tsina sa mga mandaragat ng Pilipinas, ‘di nawala sa paningin o mata ng mga kaibigang bansa ang mga pangyayari na nagresulta sa maraming pagsasanay military sa WPS. Nariyan na nagkaroon ng “military exercise” upang sanayin ang mga tropang Pinoy sa pagbantay ng teritoryo. Sa pagtatapos ng mga pagsasanay, nag-abot ang kaibigang bansa ng mga kagamitan na magagamit sa pagbabantay. Sa pagsasanay na ginawa, tila natameme ang mga Tsekwa at ‘di napansin ang presensiya sa WPS. Ngunit ng matapos at ng umalis ang mga tropa ng mga kaibigang bansa, nagpatuloy ang Tsina sa pagsulong ng pananaboy at muling naganap ang pag water cannon sa tropang Pinoy at tila naging mapanghamon. Ngunit ang Pinas ang pinasasaringan dahil sa ayuda ng mga kaibigang bansa.
Dahil sa patuloy na pananaboy ng tropang Tsekwa sa tropang Pinoy, lumaki ang ayudang ibinigay ng kaibigang bansa, dalawang sasakyang pandagat na ginagamit sa pagpapatrolya sa karagatan ng bansa. Walang pagnanais na tapatan ang lakas military ng Tsina, ngunit hindi tatayuan ng balahibo ang kagawad ng PCG upang ipaglaban ang teritoryong atin. Ang masakit, nabatid na ‘di lang pagtatayo ng mga isla-islahan at imprastraktura ang gawa ng mga Tsekwa, nabatid na binabalahura ang mga bahura nasa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa na lugar itlogan ng mga isda sa WPS. Sa pambabahura sa mga bahura, inaabot maging ang mga nakar na ginagawang alahas, palamuti at kung anu-ano ng mga Tsekwa. Sa gawaing ito, pansinin ang mga isdang nahuhuli kung meron ay may kaliitan na kumpara sa mga dating huli.
Ang masakit, patuloy ang bataan ni Totoy Kulambo, higit si Boy Sili na malinaw ang pagkiling sa mapanuwag na singkit na sumisira sa teritoryo ng bansa. Ang pahayag ni Boy Sili na tila minamali ang pagtulong ng mga kaibigang bansa na nagbigay ng sasakyang pandagat sa PN. Ang pinapakitang pagmamalasakit ng kaibigang bansa’y ‘di tanggap at ito’y tinawag na “proxy war” kuno ng Tsina at ng mga kaalyado ng Pinas. Wala sa hulog si Boy Sili na tila sumusunod sa kumpas ng among balahura. Ang ‘di pagkilos ni Totoy Kulambo sa nakaraan ang naglagay sa bansa sa salang sitwasyon. Habang ang susog na pahayag ni Boy Sili sa mataas na kapulungan ang nagpapalakas sa loob ng mga Tsekwang mapangahas.
Sa sama-samang pagkilos, pahayag na may batayan ng nakararami at ang pagsang-ayon ng kaalyadong bansa sa husgang inilabas ng UNCLOS ang batayang sasandalan ng bansa na pag-aari ang WPS. Sa hatol malinaw na mali ang Tsina sa pang-aangkin sa WPS. dahil sa amin iyan.
Maraming Salamat po!!!