Advertisers

Advertisers

Sa nalalapit na Chairman, Sangguniang Kabataan Elections, asahan na natin ang panibagong utuan at lokohan

0 10

Advertisers

Asahan na natin ang panibagong utuan at lokohan sa nalalapit na Chairman, Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre 30,2023.

Halos isang buwan na lang mula ngayon ay gaganapin na ang nasabing eleksiyon na kung saan libu-libong mga kandidato ang lumahok para sa mga nasabing posisyon.

Maliban sa Chairman at SK Chairman, pitong mga Kagawad din ang dapat iboto ng ating mga kababayan sa bawat barangay sa buong bansa.



Muli na naman nating makikita at masasaksihan ang iba-ibang istilo ng mga ito mula sa pagkaway-kaway, pakamay-kamay, beso-beso dito beso-beso doon maakit lang ang kanilang mga botante.

Ang mga kandidatong ito ay muling naglabasan ng kanilang mga lungga na may angking ngiti dahil sa pagkakataong ito ay bawal na bawal silang sumimangot, ‘di po ba?

Nandyan na rin ang kanya-kanyang patawag sa kanilang mga constituents upang bigyan ng libreng bigas, de lata, bitamina at gamot at kung anu-ano pang bagay na pang-uto.

Ang mga senior citizens na dati’y hindi pinapansin ay punong-puno ngayon ng aktibidad tulad ng mga piging, salo-salo na minsa’y may sayawan pang kasama, wow naman!!

Libre ang lahat ng ito, all expenses paid, walang gagastusin kahit na singkong duling. Bukod sa mga nasabing aktibidad, hindi mawawalan ang mga ito ng mabi-bitbit tulad ng mga food pack, bigas at kadalasa’y may pa-raffle pa ng pera at appliances bago magsi-uwi.



Kung sa bagay ay matic at natural na gawin ito ng sinumang kandidato kumbaga ay isang paraan ito ng pangungumpanya at pagkuha ng loob ng isang botante.

Ang mahalaga at importante ay ang ating nararamdaman kung ang mga ito ba ay totoo o’ plastic, kung tayo ba ay gagamitin lang ng mga ito at kung ningas kogon lang ang pinapakita na puro sa umpisa lang.

Tiyak na mara-ramdaman natin ang mga pangako at mga salitang bibi-bitiwan ng mga ito. kung ito ay pawang mga pangako lang at walang katuparan.

Napakahalaga ng Barangay election na ito dahil sa ang barangay ay tinuturing na pinakamababang korte ng ating lipunan.

Dito rin nakasalalay ang kaayusan at kaginhawaan ng isang komunidad kung kaya’t ingat tayong lahat sa ating ihahalal at ikuluklok na mga lider.

Kailangan natin ang tapat, matatag at may prinsipyong mga tao na kaya tayong panindigan sa anumang aspeto o’ situwasyon. Una’t huli ay kailangan na may takot ito sa Diyos.

Kilatisin din nating mabuti ang kanyang mga plata-porma at mag-ingat sa puro porma dahil nasa kanila ang ika-uunlad at ika-babagsak ng ating barangay.

Sa puntong ito ay ingat lang tayong mabuti dahil walang ibang taong dapat sisihin kundi tayo rin pag-dating ng panahon. ” Wala raw pagsisisi sa una, puro sa huli daw”.