Advertisers

Advertisers

THE RIGHT GUY FOR THE JOB!

0 11

Advertisers

Marami nang nagdaang Kalihim ang Department Public Works & Highways (DPWH) ngunit sadyang iba talaga ang dating nitong si Sec.Manuel Bonoan.

Ika nga,he is in a class of his own.

Talagang kakaiba ang husay at may di mapapantayang talino.



Kaya naman nang manalong Pangulo ng bansa si PBBM, kaagad itong itinalaga bilang top honcho ng DPWH.

At gaya ng inaasahan, inumpisahan ni Sec.Manny Bonoan ang isang maayos at metikolosong pamamahala sa Kagawaran.

Dahil sa may vast experience nga bilang top executive di lamang ng

DPWH kundi ng iba pang prestiyoso at dambuhalang multi national companies,

nagkaroon ng kakaibang sigla at kalidad ang mga pagawain ng Kagawaran panabay ang komprehensibo at inspired na performance ng mga opisyal nito mula sa pinakamaliit na mga kawani hanggang sa matataas na opisyales ng DPWH.



Ang pagpasok ni Sec.Bonoan sa Kagawaran ay nag-trigger ng kakaibang sigla sa iba pang matataas na opisyales nito to performed above par.

Isa na nga dito para sa personal na pananaw ng inyong lingkod ay si Undersecretary Roberto Bernardo.

Usec.Bernado is in charged and have overall supervision and control over NCR, Regions III,IV-A,IIV-B,V,VI & VII and all infrastructure projects implemented by the Department but funded under the budget of various line agencies.

Ilan sa mga ito ay school buildings, health centers at farm- to- market roads na nagbibigay ng direktang kapakinabangan sa mamamayan at kaunlaran sa bawat pamayanan.

Kitang-kita kung paano nagawa ng liderato ni Sec.Bonoan na mabilis at epektibong maisulong ang mga pagawain at mga proyektong ito ng administrasyong Marcos Jr. almost in perfection and with high quality & class.

Sa puntong ito,nais nating purihin lahat, the men and women of DPWH in making our President BBM and the entire populace happy and proud.

Mabuhay ang DPWH!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com