Advertisers

Advertisers

Catriona at Sam magpapakasal sa Italy kaya hinabaan ang bakasyon?!

0 10

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NOONG September 10, 2023 ay tumulak ang buong team ng ASAP Natin Toh sa Milan, Italy para mag-show.
Kasama ang couple na sina Catriona Gray at Sam Milby na tumungo sa Italy.
After ng show ay may nagbalikan na pa-Maynila para sa work at may mga nagpaiwan.
Sa pagbabahagi ni Miss Universe 2018 sa kanyang socmed ay nag extend sila sa Italy at di pa umuwi kasama si Sam.
Ipinakita pa nga ng beauty queen-TV host ang kanilang pamamasyal sa Italy.
Pati ang kanilang pagla-lunch ay ibinahagi rin ng couple na Cat at Sam.
May mga duda nga na baka doon na sila magpakasal this coming 2024.
May sitsit kasi na baka matagalan ng bakasyon ang magdyowa sa Italy.
Well, abangan!
***
Yeng takot pa ring mabuntis kahit ilang taon nang kasal
TILL now ay nakakadama pa rin daw ng takot at pangamba si Yeng Constantino na mabuntis at mabigyan ng anak ang mister na si Yan.
Sa pag-amin ng songwriter singer ay mayroon daw itong hormonal imbalance. Sa ngayon ay dumadaan ito sa hormones therapy.
Nung nagtungo naman sila sa Cambodia mag asawa ay nagkataon na delayed ang buwanang dalaw nito.
Kaya kumbaga ay di pa talaga ipinagkakaloob ni Lord .
Ayaw naman daw nito ipilit na magkaroon ng anak na di pa ready dahil nga sa takot.
Well, well, well…’Yun na!