Advertisers
MAPAPASABAK ng todo ang Filipino Olympic Bronze Medalist Eumir Marcial sa kanyang karera sa boksing, sa parating na Asian Games.
Ito ay matapos na magdesisyon ang boksingero na pasukin ang mas mataas na weight class, mula sa nakagawian nitong weight category.
Mula sa dating 75 Kgs ay sasabak si Marcial sa 80Kg-weight class sa Asiad.
Gayunpaman, tiniyak naman ng Pinoy boxer na wala siyang magiging problema dito, lalo na at naging sapat naman ang kanyang mga pinagdaanang pagsasanay sa Amerika.
Maliban dito, nakibahagi rin siya sa isinagawang training camp ng Philippine Boxing team sa Canberra, Australia na tumagal ng dalawang linggo.
Ang 27 anyos na si Marcial ay unang nanalo ng siver medal sa 2019 World Championships at bronze sa 2020 Summer Olympics,
Samantala, ang mananalo ng gold medal sa boxing sa Asian Games ay otomatikong makakakuha ng isang slot sa Paris Olympics.