Advertisers

Advertisers

Kolek-tong Charlie, kinukunsinte ni SPD Chief BGen. Roderick Mariano?

0 1,037

Advertisers

MARAMI ang nagdududa sa patuloy na pananahimik ni Southern Police District Director BGen. Roderick Mariano sa masamang gawain ng isang nagngangalang CHARLIE na lantarang gumagamit sa kanyang pangalan sa pananakot at panghihingi ng lingguhang payola, suhol, lagay o protection money sa mga illegal gambling at drug operators.

Natuklasan ng SIKRETA na hindi lamang pala drug/gambling maintainer na tulad nina Lotteng Queen JOY ng Paranaque City at ONIE NINONG ng Las Pinas City ang tinatarahan ni CHARLIE ng lingguhang protection money kundi mga driver ng mga colorum van at passenger jeep, mga operator ng illegal terminal at parking at pati mga sidewalk vendor sa limang siyudad na nasasakupan ng SPD.

Ngunit ang pinaka-matindi at makatindig balahibong ulat na nakarating sa SIKRETA na dapat ikabahala nina BGen. Mariano ay ang pangongolekta din ni CHARLIE ng protection money mula sa grupo ng mga organisadong kriminal, tulad ng mga mandurukot at snatcher na “Estribo, Walwal at Palagas Gang” na paboritong burdohan/area of operation ay sa kahabaaan ng Efipanio Delos Santos Avenue (EDSA).



Ang grupo ng Ilongo at Cebuano Group ang dalawa lamang sa pinaka- notoryus na grupo ng “Estribo, Walwal at Palagas Gang” na kumikilos mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Baclaran hanggang Monumento at vise -versa.

Biktima ng naturang mga elemento ang mga nagsisiksikang pasahero na nagkukumahog sa pagsakay sa mga passenger bus tuwing rush-hour mula umaga hanggang gabi, mga nakakatulog na pasahero sa bus at jeep sa mga bus stop sa Baclaran, Paranaque City, Mantrade, Pasay City, Gaudalupe, Makati, harapan ng Camp Aguinaldo, Farmer’s Plaza, Nepa Q Mart, North Avenue, Balintawak Public Market, pawang sa Quezon City at Monumento Circle na lahat ay nasasaklaw ng kahabaan ng EDSA.

Nag-ooperate din o bumubordo (pick pocket jargon) ang mga nabanggit na criminal group sa mga bus terminal, palengke o pamilihan, mall at iba pang matataong lugar. Apat o higit pang miyembro ang bumubuo tuwing kumikilos ang naturang gang.
“Palagas” ang tawag sa mga mandurukot na gamit lamang ang kasanayan ng kanilang kamay sa tulong ng kanilang mga “bakero screener” at tagapagkanlong, samantalang “Walwal” naman ang tawag sa mga gumagamit ng surgical blade para hiwain ang mga bag, bulsa o anumang sisidlan ng pera, alahas o anumang mahahalagang kagamitan ng mga nabibiktima.

Kung hindi matinik o kaya ay walang gaanong karanasan sa paniniktik ang mga boss ni CHARLIE ay tiyak na katakot-takot ang “bukol” ang aabutin ng mga ito at ‘di na madedeklara sa kanila ang libu-libong nahaharbat na “patong” ni CHARLIE mula sa mga criminal group na nag-ooperate sa area of responsibility (AOR) ng SPD.

Dahil hindi kumikilos para hulihin at papanagutin itong si CHARLIE, ang tingin ng mga anti-vice crusader ay kinukunsinte ang protection racket ng nagpapakilalang kolek-tong o “kapustahan” na ito ni Gen. Mariano at maging ni National Capital Region (NCRPO) Chief BGen. Jose Melencio Nartatez Jr.?



Bukod kay Gen. Mariano, kaladkad din ni CHARLIE ang pangalan ni Gen. Nartatez Jr. sa kanyang pangingikil sa mga gambling lord na nag-ooperate sa hurisdiksyon ng buong SPD. Dalawa ang paboritong tinataga ng mokong na ito (CHARLIE), sina Paranaque Lotteng Queen Joy at ONIE NINONG na operator/financier ng talamak na lotteng sa lungsod ni Las Pinas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar.

Nang maupong Metro-Manila Police Director si Gen. Nartatez Jr., ang illegal gambling ay nagtiklupan dahil sa idineklarang war on vice operation na may kasamang babala sa mga district at chief of police na sila’y tatanggalin sa puwesto kapag tumangap ng lagay at nagpabaya sa trabaho laban sa iligal na sugal.

Dahil sa warning ni Gen. Nartatez Jr., walang naglakas ng loob na mga gambling operator, pero si JOY ay nakapagpatakbo ng lotteng sa Paranaque City at ONIE NINONG sa Las Pinas City sanhi ng pang-eenganyo at paniniguro ni CHARLIE na magiging plantsado at walang huhuli sa kanila kasabay ng pagyayabang na bata siya ng mga hepe ng NCRPO, SPD, Paranaque City at Las Pinas City?

Upang makapagbukas ng kanilang lotteng ay humingi si CHARLIE ng regular weekly payola kina JOY at ONIE NINONG para kina Gen. Nartatez Jr., Gen. Mariano at kinalaunan ay ipinanghingi na din ng lingguhang tara sina Paranaque City Police chief Col. Reycon Garduque, at Las Pinas top cop Col. Jaime Santos sa dalawang nabanggit na lotteng operator. Tuldukan!

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144