Advertisers

Advertisers

Moira binigyan ng positibong epekto ang pag-inom ng Maria Clara Sangria

0 14

Advertisers

Ni BOY ROMERO

ANG kilala bilang isang mahusay at tanyag na Filipino singer-songwriter na si Moira dela Torre ang napiling first brand ambassador ng Maria Clara Virgin Sangria – ang leading sangria brand sa Pilipinas.
Bilang bahagi ng kanyang pakikipagtulungan sa brand, gumawa si Moira ng isang anthem na pinamagatang “Maria Clara,” na nagsisilbing bagong jingle ng brand. Pahiwatig ng awiting “Maria Clara” sa lahat na minsan ay hindi okay, ngunit magiging maayos din ang lahat.
Ayon sa songwriter, “It’s basically a friend for all seasons. And so, ‘Maria Clara’ is a reminder of where you’ve been and where you’re going and who you are as a woman.”
Dagdag pa ni Moira na nais niyang mag-focus sa epekto ng Maria Clara sa buhay ng mga tao, “It’s been a friend. It helped ease loneliness, it has helped people cope, It has helped people celebrate.” At ngayon, maaari nang i-enjoy ang mga milestone ng buhay ng walang alcohol kasama ang Maria Clara Virgin, na akma sa mensahe ni Moira na maging totoo sa ating mga sarili.
Pakinggan at mag-enjoy sa lyrics at melody ng “Maria Clara,” na sinulat ni Moira habang umiinom ng Maria Clara Sangria.
Mapakikinggan ang “Maria Clara” ni Moira Dela Torre sa Spotify. Mabibili ang Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin sa lahat ng major retail outlets.
***
Pelikulang “Monster,” pinukaw at dinurog ang puso nina Sylvia, Ria at Lorna
NAGSAMA-SAMA sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino sa unang pagkakataon para sa nalalapit na showing sa Pilipinas ngayong Oktubre ng internationally acclaimed Japanese drama movie na “Monster”.
Nagsanib pwersa ang tatlo. Nagsimula ang partnership nina Sylvia at Ria ng Nathan Studios at ni Lorna noong nakaraang summer at sama-sama silang bumiyahe sa Cannes Film Festival sa France para sa espesyal na screening ng Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde at sa direksyon ni Richard V. Somes.
Maliban sa screening ng Topakk sa Cannes, dito rin nagsosyo ang Nathan Studios at si Lorna sa pagbili ng mga pelikulang kanilang i-rerelease for theatrical showing dito sa Pilipinas.
Umiikot ang istorya ng Monster sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu-bully at sinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip o ng mental health.
“Kakaiba itong pelikulang ito,” ayon kay Sylvia. Dagdag pa niya “Mahilig akong manood ng pelikula at sa dinami-dami ng aking napanood, isa itong Monster na talaga namang dumurog ng todo sa puso ko bilang isang ina.”
Sa ilalim ng direksyon ng nirerespeto at multi-awarded direktor na si Hirokazu Kore-eda, tampok sa Monster ang mahuhusay na Japanese actors gaya nina Sakura Ando, Eita Nagayama, Soya Kurokawa, Hinata Hiiragi, at Yuko Tanaka.
Ayon naman kay Ria, na tumatayo bilang President and CEO ng Nathan Studios, isa ang Monster sa mga uri ng pelikula na angkop sa personalidad at mission-vision ng kanilang kumpanya. “We are really aspiring and working very hard to offer cutting edge content that would challenge the minds and touch the hearts of viewers,” sabi ni Ria.
Para kay Lorna, mahalaga at napapanahon ang mensahe ng “Monster.” “Dapat talagang ma-address natin ang laban sa bullying at ang pagpapalaganap ng malusog na pag-iisip para sa lahat ng tao, bata man o matanda,” sabi pa niya.
Aminado ang tatlong premyadong aktres na malaki ang naging epekto sa kanila ng “Monster” dahil talagang pinukaw at dinurog ng pelikulang ito ang kanilang mga puso.
Nagkakaisa rin ang tatlong aktres na major shocker ang ending ng pelikula matapos nitong yanigin ang buong mundo sa husay ng storytelling at acting na mapapanood dito.
Ipalalabas ang “Monster” sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa darating na Oktubre 11 at kasalukuyang naghahanda ang Nathan Studios kasama ang isa pa nitong partner — ang 888 Films International — para sa isang red carpet special screening na dadaluhan ng mga bigating industry personalities gaya ng mga direktor, mga artista, press at online influencers, at mga kritiko ng pelikula.