Advertisers

Advertisers

PH archers papana ng medalya sa Hangzhou Asian Games

0 7

Advertisers

PITONG archers, na pamumunuan ni Paul Marton Dela Cruz, ang kakatawan sa Pilipinas sa parating na 19th Asian Games sa Hangzhou,China.

Kasama rin ni Dela Cruz sa regional biennial meet sina Amaya Cojuangco at Andrea Robles (compound women), Jason Feliciano at Jonathan Reaport (recurve men), at Bidaure siblings Pia Elizabeth at Gabrielle Monica (recurve women).

Makakasama nila ang mga coaches Clint Sayo at Joy Mariño, at World Archery Philippines (WAP) secretary general Rosendo Sombrio, ang mag silbing team manager.



Ang best performance ng national team’s sa Asian Games ay noong 2014 ng mapanalunan ni Dela Cruz ang individual compound bronze medal sa Incheon,South Korea.

“My target is to improve the bronze I got in Incheon,” Wika ng 36-year-old Dela Cruz sa panayam Miyerkules.

Upang mapaghandaan ang Hangzhou Asian Games, ang pitong archers ay nag-training sa National Taiwan Sport University mula Setyembre 2 to 15.

“Our training in Taipei was good, there were activities and video analysis, so our form and shooting improved a lot,” Banat ni Dela Cruz, kasalukuyang No. 6 sa World Archery men’s compound rankings.

Sa 2017, Nasilo nya ang individual bronze medal at team bronze kasama si Earl Benjamin Yap at Joseph Vicencio sa Kuala Lumpur,Malaysia.



Natimbog ni Dela Cruz ang mixed team gold medal kasama ang kanyang asawa Rachelle Ann sa 2019 Manila SEA Games. Nakuha rin nya ang team silver medal kasama si Jennifer Dy Chan at ang team bronze kasama si Florante Matan at Andrei Johan Olano sa Vietnam dalawang taon ang nakaraan.

Samantala, Optimistiko si Sombrio na ang Asian Games-bound archers ay may kakayahang makakuha ng medalya.

“They are thirsty to win medals. They are strong now and ready to compete with the elite from other countries,” anya.

“Our athletes went to the training camp in Taiwan to enable them to win medals. I hope it will happen,”Dagdag pa nya.

Ang team ay aalis patungong Hangzhou sa Setyembre 27. Ang kumpetisyon ay gaganapin simula Oktubre 1 hanggang 7 sa Fuyang Yinhu Sport.