Advertisers
Nagiging sentro na ng human trafficking ang mga nagsulputan na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ito ang inihayag ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty bunsod ng sunod sunod na pagsalakay ng otoridad sa mga POGO.
Sinabi ni Ty na maraming indikasyon na ginagawang pronta ng online scam at human trafficking ang mga POGO.
Ang mga nabibiktima aniya ay naloloko at nasasabihan na ang trabaho na binibigay sa kanila ay ligal o pagiging customer service representative ngunit ang pinapagawa sa kanila ay mag-scam.
Istilo din aniya ng mga operator ng sinasalakay na POGO ang pagkumpiska ng passporte at mahahalagang gamit ng mga dayuhang empleyado nito.
Sinabi ni Ty na ilang daang kaso ng human trafficking kada taon ang naitataala ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) kung saan libo libo na ang naililigtas na biktima.
Patuloy aniya na nakikipag ugnayan ang IACAT sa mga social media platforms kabilang ang Facebook upang matigil na ang online recruitment ng mga human traffickers.
Pinuna ni Ty ang kakulangan sa public awareness hinggil sa human trafficking na maituturing ng ikalawang pinakamalaking “criminal enterprise” sa buong mundo.