Advertisers
MAGTITIPON ngayon ang mga batikang practical shooters ng bansa upang lalong pagtibayin ang matatag nang samahan sa kanilang balwarteng putukan sa Moonwalk,Paranaque City.
Makikilatis rin ang kalibre ng mga bagong dating na armas pang-sports partikular ng mga miyembro ng Philippine Practical Shooting team.
Ang ating kagilas na sina Atty. Modesto Lacambra at pakner niya sa RL Law Offices na si Atty.Hector Rodriguez ang pasimuno sa kapatirang kaputukan kabilang din ang mga pamosong national practical shooters tulad ni King of Kings Mark Marcelino – shotgun na nagkampeon kamakailan lang sa Bangkok shootfest.
Si Ramil Mercado na bukod sa kampeon sa shooting ay isang successful businessman at kaputukang national na si Ka Francine.
Ang PPSA na nasa payong ng International Practical Shooting Corporation (IPSC) ay patuloy ang programa year- round upang tumuklas ng mga potential na magiging kampeon sa international competitions tulad ng kanilang counterpart sa Philippine National Shooting Association( PNSA) na ang hangarin ay makapagbigay ng karangalan sa bansa. Ready..Aim ..FIRE!
***
HIT AND RUN, HIDE AND COVERED!
BUKANG- liwayway sa Bgy.Anos ,Los Banos sa Laguna,tumatawid ng tama si Lorain sa highway..may rumaragasang sasakyan ang walang menor ang bumangga sa biktima habang parang walang nangyaring masama na humarurot ang tsuper at di binalikan ang nakahandusay na nasagasaan niya.
Litaw na ang araw nang dumating ang responde ng mga Pulis.DoA si Lorain sa hospital .Bukod sa police report ay hanggang doon lang ang ginawa ng otoridad na hindi na tinugis ang salarin upang panagutin sa kanyang krimen sa lansangan.Kaya naman kung ginawa nila dahil equipped naman sa modernong kasangkapan upang lambatin ang salarin.
Ang siste ,akala nila ay walang kakampi ang pobre at walang malalapitan sa paghingi ng hustisya para kay Lorain.
Porke kamaganak o kumpadre ang mga pulis at cover-up na lang hanggang magkalimutan
Kahit nakapiring ang hustisya,makikita nya ang katarantaduhan ng killer tsuper,kunsintidor na ama at ilang pulisya ng Los Banos ,Laguna.
Kalampag sa hepe ng MPS diyan dahil sa kapabayaan.
Hustisya para kay Lorain ang sigaw ng kanyang mga naulila.
Atensiyon DILG!