Advertisers
LUMAGDA ng bagong kontrata ang three-time scoring champion Terrence Romeo sa SanMiguel Beer.
Kinumpirma ni San Miguel Beer team manager Gee Abanilla ang balita sa Manila Times Miyerkules, pero tinanggi na ibunyag ang detalye sa bagong kontrata sa sweet – shooting guard mula sa Far Eastern University.
“He just signed a contract with us,” Wika ni Abanilla.
Si Romeo ay galing sa injury-plagued 2022-23 PBA season dahil sa natamong injury sa likod at balikat.
Gayunpaman, ang 5-foot-10 Romeo ay nakapaglaro pa rin ng ilang games sa PBA On Tour, at nag average ng 21.8 points sa 35.3 minutong aksyon sa 4 na preseason games.
Romeo, na six-time PBA All-Star, ay nagwagi ng 2 PBA titles sa Beermen, at tinanghal na Finals Most Valuable player sa 2019 Commissioners Cup title series.
Isinama ni Gilas Pilipinas interim coach Tim Cone ang pangalan ni Romeo sa listahan ng national team na kasalukuyang naghahanda ngayon para sa 19th Asian Games.
Ang katayuan ni Romeo sa Gilas ay nakabitin sa kasalukuyan habang hinihintay ang final desisyon ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee.