Advertisers

Advertisers

UST nasilat ang FEU

0 3

Advertisers

NASILAT ng University of Santo Tomas (UST) ang Far Eastern Univerity (FEU) Tamaraws sa nagpapatuloy na V-League Men’s Collegiate Challenge Miyerkules.

Ipinoste ng Tiger Spikers ang 21-25,25-21,25-22,25-22, wagi laban sa Tamaraws sa Game 1 na kanilang best-of-three semifinals series sa Paco Arena sa Manila.

Pinamunuan ni GBoy De Vega ang opensiba ng UST sa iniskor na 18 points, 14 mula sa matagumpay na atake at 4 mula sa crucial blocks. Habang si Ybanes umiskor ng 21 points.



Ito ang ika-pitong sunod na tagumpay ng Golden Spikers sa tournament.

Dryx Saavedra tinapatan ang iskor ni Ybañez na 21 points, lahat nagmula sa matagumpay na atake, upang manateli ang Tamaraws sa contest,habang si Andrei Delican nagdagdag ng 15 puntos sa kanilang magiting na pagsisikap.

Susubukan ng UST na makuha ang Finals berth sa Biyernes.