Advertisers

Advertisers

Gen Hidalgo, hinamon na tumalima sa ipinatupad na “One Strike” Policy ni PNP Chief Acorda?

0 22

Advertisers

NAKAKAPANGILABOT ang balitang mga notoryus ang nasa likod ng mga pasugalan sa lalawigan ng Bataan ang umanoy nakipag-alyado diumano sa ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nakabase sa Camp Olivas at Bataan Police Provincial Office (PPO).

Dapat kumilos agad at huwag ipagwalang bahala ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., ang nakaka-panindig balahibong ulat na ito dahil nakataya ang kanyang pamunuan at ang liderato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sinasabing nakakatakot at nakapaninindig balahibo ang nangyayari ngayon sa hanay ng kapulisan dahil sa ilang “police official” na may “unholy alliance” sa mga gambling operator.



Animoy wala ng kinakatakutang mag-operate ng ibat-ibang uri ng sugal tulad ng baklay, drop ball at color games ang mga notoryus na mga gambling operator sa bayan ng Orani, Abucay, Limay, Pilar, Dinalupihan, Samal at Lamao, Bataan ang mga untouchable na gambling operator na sina alyas Mely, Ricky, Quiroz, Sammy, Uloy, Boyet, Rose at Eve dahil sa proteksyong ipinagkakaloob ng ilang mataas na opisyal ng kapulisan sa Region 3 gamit ang alyas PARAK para sa lingguhang kolek-tong o intel-lihensya.

Matatandaang pina-aresto ng maimpluwensiyang “peryante” na alyas Mely sa mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) Counter-Intelligence Task Force (CITF) ang chief of police ng Sasmuan, Pampanga dahil umano sa kotong at reklamong extortion?

Kamakailan pinaaresto din ni alyas Mely ang limang indibidwal na nagpakilalang mga media na diumanoy nanghihingi sa kanyang pasugalan sa bayan ng Orani, Bataan.

Ito ang nagdudimilat na katotohanan na talagang notoryus at nakakapangilabot ang mga nasa likod sa iligal na sugal sa lalawigan ni Bataan Governor Jose Enrique “Joet” Garcia.

Pasok din umano sa tinaguriang “protection racket” ang ilang tiwaling opisyal ng PNP Region 3 kung kaya’t ganoon na lamang ka-talamak ang presensiya ng illegal gambling sa nabanggit na lalawigan.



Ayon sa source parang sementeryo ng La Loma katahimik ang tanggapan ngayon ng Camp Olivas at Bataan Police Provincial Office pagdating umano sa illegal gambling operations.

Panawagan nila kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PBGen Jose Hidalgo, na tumalima sa ipinatutupad na “One Strike” Policy ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., at mag-resign kung hindi kayang gampanan ang kanyang tungkulin sa bayan at sa mamamayan kung magbulag-bulagan lang sa talamak na sugalan sa kanyang AoR.
Subaybayan natin!

***

Suhestyon at reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com