Advertisers
GUMAWA ng kasaysayan ang Gilas Pilipinas Boys matapos durugin ang South Korea sa iskor na 95-71 wagi para umabante sa quarterfinals ng 2023 FIBA U16 Asian Championship Biyernes ng umaga (Philippine time) sa Doha,Quater.
Ito ang unang pagkakataon na dinaig ng Pilipinas ang Korea sa FIBA youth- level kumpetisyon.
Ang malaking panalo ang nagbigay daan sa Gilas Boys para makakuha ng ticket sa 2024 U17 World Cup sa Turkey may apat na slots ang inilaan sa semifinalist dito sa tournament.
Pinamunuan ni Joaquin Ludovice ang opensiba ng Gilas Boys sa kinamadang 25 points habang si Kurt Velasquez bumakas ng 17 marka, seven assists at four rebounds.
Kiefer Alas nagtala ng double-double outing na 11 points at 13 rebounds tampok ang four dimes at two steals.
Makakatous ng Gilas Boys ang undefeated Japan (3-0) sa quarterfinals Sabado ng umaga at ang magwawagi ay aabante sa semis kontra either Australia or Jordan.