Advertisers
Pagsusuutin ng BODY CAMERA ang mga operatiba ng QUEZON CITY POLICE DISTRICT (QCPD) sa araw ng BARANGAY at SANGGUNIANG KABATAAN ELECTION bilang paniniguro sa mapayapang halalan.
Sa pangangasiwa ni QCPD DIRECTOR GENERAL REDRICO MARANAN ay halos buong puwersa ng kanilang mga operatiba ay ipakakalat sa mahigit 100 POLLING PRECINCTS bukod pa sa mga gagamiting BACK-UP DRONES upang mamonitor ang lahat ng mga lugar na nasasakupan ng nasabing lungsod sa October 30, 2023 ELECTIONS.
Mayroong 179 BODY CAM ang ipinagkaloob ng QC GOVERNMENT na bahagi sa pagsuporta ni QC MAYOR JOY BELMONTE para sa pagmamantini ng kapayapaan sa kanilang lungsod.., na ang 200 BODY CAM ay ang tanggapan na ni BGEN. MARANAN ang bumili kabilang na ang 72 units na ready for wifi o live stream.
Bukod diyan ay may gagamitin ding mga back-up na DRONE ang QCPD kasama na riyan ang dalawang BIG DRONE na may THERMAL EMAGING CAPABILITY o kayang makuhanan ang kahit nakatago sa punong kahoy o pader upang ang lahat ng magiging insidente ay mairecord sa video.
Ang DISTRICT MOTORCYCLE ANTI CRIMINALITY RESPONSE TEAM (DART) TASK FORCE na binuo ay ipakakalat sa ibat-ibang lugar sa lungsod para magmonitor at bantayan ang mga HOT SPOT na lugar kabilang diyan ang BATASAN, PAYATAS, COMMONWEALTH , at NOVALICHES.
Inanunsiyo rin ni BGEN. MARANAN
na 26 sa kaniyang mga tauhan na may mga kaanak na tumatakbo sa BARANGAY at SK ELECTIONS ang pansamantalang ililipat sa NCRPO upang maiwasan na maka-impluwensya sa kanilang lugar at maiwasan ang agam-agam ng magkakatunggali sa pulitika sa barangay..,na ang nasabing mga inilipat ay muling ibabalik sa QCPD pagkatapos ng halalan.
Mga ka-ARYA.., si BGEN. MARANAN ay kabilang sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY (PNPA) “PATNUBAY” CLASS OF 1995 na iba’t ibang mga position na ang kaniyang pinamunuan hanggang sa siya ay naging PNP-PIO CHIEF noong October 2022.
Nitong August 31, 2023, sa naging pagbibitiw sa position ni B GEN. NICOLAS TORRE III hinggil sa isang kontrobersiya ay si BGEN. MARANAN na ang ipinalit.., na ang ginawa nitong preparasyon para sa darating na halalan ay isang magandang hakbang.., na dapat ay tularan ng iba’t ibang POLICE DISTRICTS upang kung magkaroon man ng kaguluhan ay may mga video footage na marerebyu ang mga otoridad para sa pagresolba ng anumang sitwasyon.
***
KAUNAUNAHANG KASALAN SA MANDALUYONG CITY JAIL!
Mga bilanggo man ay pinagmamalasakitan ang mga ito ng MANDALUYONG CITY GOVERNMENT sa pamumuno ni CITY MAYOR BENJAMIN ABALOS SR na kamakailan lamang ay idinaos ang 1st CIVIL WEDDING o ang “KASALAN SA PIITAN SA MANDALUYONG CITY JAIL.., na 20 MALE PERSON DEPRIVED LIBERTY (PDL) ang ikinasal sa loob ng piitan.
Sa 20 pares na ikinasal sa mass wedding ay may tatlong pares na dati nang nagsasama bago nakulong ang mga ito…, at
mayroon namang isang bilanggo na ikinasal sa kanyang 70-taong gulang na kinakasama.
Nakiisa sa programa sina VICE MAYOR MENCHIE ABALOS, mga KONSEHAL, at si BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY- NATIONAL CAPITAL REGION (BJMP-NCR) DIRECTOR JAIL CHIEF SUPT. CLINT RUSSEL TANGERES, CESE.
Inihayag ni MAYOR ABALOS na ang ‘KASALAN SA PIITAN’ ay kabilang sa ‘Re-integration, Reformation Program’ ng CITY GOVERNMENT at ng CITY JAIL sa mga PD.., lalo na iyong mga may GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE.
Inihayag naman ni CITY CIVIL REGISTRY HEAD ATTY. GABRIEL CORTON na ngayong legal na ang pagsasama ng mga PDL sa kanilang mga asawa ay mas madali nang maisasaayos ang legitimacy ng kanilang mga anak sa birth certificate ng mga ito!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.