Advertisers

Advertisers

“Minsa’y Gamu-gamo ang mapagkunwaring Demonyo”

0 74

Advertisers

Trending ang mga sakit ng lipunan nitong huling mga buwan ng 2023: korupsyon, iregularidad sa pulisya, road rage, pondo ng bayan at dinastiya sa pulitika. Name it, the Philippines have it!

Kaming mga laki sa ilang, ay nasanay na sa mga gamu-gamo. Hindi mapanakit, marami, tahimik at saka lang sila lumalabas kapag napapanahon…at kalimitan ay sa gabi. Inihahalintulad ko sila sa pagdagsa ng mga sakit sa lipunan. Una na rito ay ang pandemya na dulot ng COVID 19 kung saan hindi mabilang ang mga nasawi mula nang ito’y sumambulat sa ibabaw ng mundo at walang awang winakasan ang buhay ng mga nilalang—babae, lalaki, bata man o matanda.

Ang aking bansang mahal ay isa sa mga nasalanta ng nakamamatay na COVID19, libo-libo ang nagdusa, ekonomiya at edukasyon ay nabalam, ang agam-agam ng mga tao ay walang katapusang pagdurusa. Naganap at natapos na, harinawa, ang pagdurusang ito makalipas ang halos magtatatlong taon. Ngunit hindi pa rin pala napapawi ang sakit na idinulot nito. .. naririto pa ang korupsyon, ang di-mahintong iregularidad ng ilang miyembro ng pulisya, ang pambabarako ng ilang dating nasa kapangyarihan sa mga lansangan, ang pagwawalanghiya sa pondo ng bayan sa anumang paraang kaya ng kanilang katawan at isipan at higit sa lahat ang pagsasa-pamilya ng pulitika ng mga ayaw maglubay sa kaban ng bayan at kapangyarihan sa kani-kanilang nasasakupan.



Matagal na sanang umangat ang ekonomiya ng aking bansang sinilangan, ngalang at walang humpay ang pagnanasa ng mga iilan na naturingang invincible political dynasty of the Philippines. Sila ang hindi maikakalang puno at dulo ng walang pagasenso ng bansa kong mahal.

Marami ang ibig lumaban sa kahirapang ito na tao rin ang nagdulot. .. nagbaka sakali silang bumuo ng alyansa laban sa korupsyon, marami rin ang bigo. Ngayon sa maunlad na syudad ng Baguio sa Benguet, Mountain Province mabilis na pumapailanlang sa social media ang pangalang Concerned Citizens: Crusade Against Corruption for Good Governance. Ito ngayo’y nakarating na sa Estados Unidos ang pagkakakilanlan. .. at marami na siyang membership na sa huling taya ay nasa mahigit nang 10 libo.

Ang nagpasimula nito ay ang adhikain ng isang alkalde o punongbayan ngayon—na dati ay isang heneral sa pambansang pulisya na si General Benjamin B. Magalong. Bago siya pumailanlang sa pulitika, nagmulat siya sa kaisipan ng maraming unipormadong pulis sa PNP ng di-mapapantayang dedikasyon at pagmamahal sa serbisyo sa Inang Bayan bilang mapitagan at maaasahang tagapagpatupad ng batas. Patunay, ang pagtataguyog niya ng kausa at katarungan para 44 na PNP Special Action Force members na nasawi sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao ilang mga nagdaang taon na.

Good governance ang template ng kanyang pamumuno sa lungsod ng Baguio nuong siya ay humiling ng boto ng mga mamamayan ng City of Pines. Ngayong siya ang naturingang walang kaparis na public servant to ever serve the country’s Summer Capital, ang mga mamamayan na ang nagkusa at nagbuklod na bumuo ng ngayo’y CAC4GG.

Ang laban na ito sa sakit ng lipunan, lalo sa korupsyon, ang pinabuod ng inaasahang pagbabago na magiging daan ng tunay na kaunlaran. ..di lang ng iilan, manapa’y ng nakararami. Pinoy, saan ka pa?!