Advertisers

Advertisers

BAGONG YUGTO” TRAILER NG “FPJ’S BATANG QUIAPO” NAKAKUHA NG HIGIT 10 MILYONG ONLINE VIEWS SA ILALIM NG 24 ORAS

0 9

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE
TAUS-pusong nagpapasalamat ang Primetime King na si Coco Martin sa mga tagasubaybay ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan nakakuha na ng higit 10 milyong online views ang trailer para sa bagong yugto ng serye sa ilalim ng 24 oras.
“Pinipilit namin gumawa ng palabas na alam namin mapaliligaya ang mga manonood gabi-gabi. Ayoko kasing tipirin ‘yung mga manonood natin. Na-aappreciate ko kasi ‘yung pagmamahal nila,” sabi ni Coco.
Pinuri rin ni Coco ang dedikasyon ng kanyang mga co-star sa serye, na kabilang sina Jaclyn Jose at Ivana Alawi sa mga bagong karakter na papasok sa buhay ni Tanggol (Coco).
“Masaya ako kasi nakikita ko ‘yung suporta ng mga kasamahan kong artista sa bawat eksenang ginagawa namin. Nagpapasalamat ako dahil itong teleserye ang nagiging daan para makapag-communicate tayo sa mga tao at nakakapagbigay tayo ng saya at inspirasyon gabi-gabi,” sabi pa ni Coco.
Nagpatikim din ang “FPJ’s Batang Quiapo” para sa bago nitong yugto sa isang pasabog na trailer kung saan ito ang unang beses na naglabas si Coco ng isang trailer ng bagong season para isang TV series. Isa sa mga kaabang-abang na rebelasyon ang paghaharap ng dalawang babae sa puso ni Tanggol na sina Mokang at Bubbles (Ivana).
“I’m just so happy sa different turn of events especially when we shot the trailer. I’m so excited to share the screen with these wonderful actors and I’m so excited din to do scenes with Ivana,” ani Lovi.
Pagbabahagi naman ni Ivana, sabik na sabik na siyang sumabak sa action scenes bilang isang tindera sa umaga at tirador naman sa gabi.
“Super excited because it’s my first time to do this kind of character and also mag-action. Abangan niyo ang totally different Ivana and a totally different character sa lahat ng na-play ko. This is really something new and something na ma-eenjoy niyo,” saad niya.
Lubos din ang pasasalamat ni Jaclyn na makatrabaho ang star-studded cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” tulad nina Charo Santos, Cherry Pie Picache, Christopher de Leon, at iba pang bigating artista.
“Kapag hindi ako nakapasok sa soap ni Coco, parang hindi kumpleto ‘yung pagiging artista ko. Kailangan namin makasabay, kung ‘di man namin mapantayan, ‘yung taas ng lahat ng mga karakter na nandito dahil talaga naman bawat character ay lumalaban,” sabi niya.
Natuwa rin ang netizens sa isang eksena kung saan nabuking na ni Ramon (Christopher de Leon) ang totoong pagkatao ni David (Mccoy De Leon). Pero sa tingin ng ibang netizens, baka panaginip lang ang eksenang iyon at hindi pa malalantad ang pagpapanggap ni David.
“Finally yung gigil nating lahat sa walanghiyang David na yan matutuldukan na hahahaha, lagot ka ngayon,” sabi naman ni @remuel004 tungkol sa tila pagpatay ng karakter ni Mccoy De Leon. “Sana naman di yan panaginip ni david huh!! Banas na banas na ko dyan sa kayabangan ni david & rigor,” sabi ni @Maryella1703.
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.