Advertisers

Advertisers

Coleen todo-deny na sugalero si Billy pero inaming nagyoyosi at umiinom ng alak

0 18

Advertisers

Ni JOVI LLOZA
NOON pa man bago ikasal sina Coleen Garcia at Billy Crawford noong 2018 ay napaglabanan ng TV Host- singer ang kanyang bisyo dahil sa kanyang wife at sa kanilang anak na si Amari.
Lalo na nga raw tumigil sa bisyo si Billy tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak noong magka-baby na sila ni Coleen.
Gulantang si Coleen na nama-maritess na raw pala ang kanyang mister na lulong sa sugal.
Mariing pinabulaanan ni Coleen na nagsusugal si Billy. Pero inamin nito na nagma-majhong sila sa bahay.
Pagmamalaki pa ni Coleen na ang bisyo ng asawa ay alak at paninigarilyo lang daw.
Although nagve-vape na lang daw si Billy kaya proud misis naman si Coleen dahil para sa kanilang pamilya ay tinigil na ni Billy ang pagyoyosi na mahigit 8 years na at ang pag-inom ng alak na 4 years na nitong ginagawa.
Ngayon kahit tikim or patak ng alak ay di na raw ginagawa ni Billy at natuwa naman si Coleen na sila ng kanyang anak ang naging inspirasyon nito para tigilan na nito ang kanyang bisyo.
***
 Ricci nakawala na sa anino ni Andrea
SA PBA draft 2023 ay ipinakita sa socmed ni Ricci Rivero ang pagdalo niya.
Kitang fresh at looking good ang peg ni Ricci with matching stylist pa.
Kaya inulan ito ng batikos sa kanyang peg.
Ang akala ng iba ay sasayaw ng Gento ang ex ni Andrea Brillantes.
May komento rin na nakapaglaba na raw ito at may itatambak na naman na labahin.
Samantala, ipinagmalaki  nito sa kanyang post na maglalaro na siya sa koponan ng Phoenix Super LPG FuelMasters.
Knows naman na naging popular lang si Ricci nang maging sila ni Andrea.
Sa kanyang paglalaro ay dito na nga raw nito patunayan na nakawala na ito sa anino ni Andrea.
Well, well, well… ‘Yun na!