Advertisers

Advertisers

Hindi nakalimot tumulong sa kapwa

0 92

Advertisers

LIKAS sa ugali ng mga Pinoy ang pagtulong sa kapwa kung ang isa ay nangangailangan ng tulong. Lalo na kung dumanas o naging biktima ito ng kalamidad.

Isang halimbawa ang ginawang pagtulong ni Speaker Martin Romualdez sa 8,000 mangingisda sa Oriental Mindoro na lubhang na-apektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa aksidenteng oil spill mula sa MT Princess Empress.

Kasama ni Speaker Romualdez sina Majority Leader Mannix Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at House Assistant Minority Leader Arlene Brosas upang makipagpulong sa grupo ng mga mangingisda, kasama ang kanilang abogado na siya ring tumutulong sa mga residente na makakuha ng bayad-danyos mula sa may-ari ng lumubog na MT Princess Empress.



Hinalimbawa ni Speaker ang kanilang naging karanasan habang bumabangon mula sa pananalasa ng super-typhoon Yolanda. “In moments like these, Filipinos are always ready to lend a helping hand to their kababayans.”

Bumuhos aniya ang donasyon noon sa Tacloban mula sa pribadong sektor kasama ang bangkang pangisda at livelihood packages sa kanilang ipinamigay.

Bilang ika-apat na mataas na opisyal ng bansa, ngayon, panahon naman para makabawi ng tulong.

Nangako si Speaker Martin na hahanapan niya ng pondo ang P200 milyong tulong pinansyal para sa may 8,000 mangingisda sa Oriental Mindoro na lubhang na-apektuhan ang kabuhayan dahil sa oil spill. Lumabas sa datos, nasa 193,436 indibidwal mula CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas ang na-apektuhan ng malawakang oil spill. May kargang 800,000 litro ng industrial fuel ang M/T Princess Empress, nang lumubog sa karagatan sakop ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Bukod sa P200 milyong tulong pinansyal, desidido rin si Speaker na makakuha ng pondo mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang mabigyan ng tig-P24,000 tulong ang lahat ng 8,000 mangingisda.



Nakapaloob sa taunang General Appropriations Act (GAA) ang pondo ng TUPAD na ginagamit upang mabigyan ng livelihood support ang mga disadvantaged at displaced na manggagawang Pilipino.

“Panimulang tulong lang ito na sapat sa dalawang buwan. Sa loob ng panahong ito, hahanap tayo ng paraan para makakuha naman ng pondo para sa mga alternative livelihood programs ninyo habang nililinis pa ang oil spill,” sabi ni Romualdez

“Kung kukulangin pa ito, tutulong din ang iba pang kasama ko dito sa House of Representatives para magtuloy-tuloy ang ayuda sa inyo habang hindi pa kayo nakakabangon. Gagawin natin ang lahat para makabangon kayo sa trahedyang ito,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

“Kung kailangan ninyo ng bangka, tutulong din ako na humanap ng mga donors para sa inyo. Sila ang mga tumulong sa amin noon sa Yolanda at naging susi kaya nakabangon agad kami,” saad pa ng House Speaker.

***

Ang ipinamanang executive table hahahaha!

TALAGA yatang matibay ang hiya nitong isang empleyado ng media office sa House of Representatives. Bakit ‘ika nyo? E biro mo ba naman ginawang kaawa-awa yung service director dahil maliit na table lang ang gamit nun mama samantalang itong isang Ale e yun ipinamanang executive table nung dati nyang batugang amo ang gamit. Ang bulong-bulungan sa buong HRep, talaga raw napakasama ng ugali nitong isang Ale. Hahahahaha, wala daw pinagka-iba sa ugali nung isang mamang retirado na pero gamit pa rin ang room at executive table. Hoy, mahiya naman kayo! Kunsabagay, kung talagang ganyan ang ugali ng mga taong ito, e di ayos, palakpakan! Pati ba naman soft drinks pinagdiskitahan mo pa! Kaloka ka talaga!

***

Sino naman itong executive director na bumili raw ng tatlong television sets na nagkakahalaga ng P900,000.00 ang isa na hindi dumaan sa bidding?

Balitang pinagaitan daw ni Boss…. Bheeee, buti nga!

***

May nabalitaan ang Congress Files kamakailan na hindi raw nagbibigay o hindi ino-honor ang senior citizen card para sa discount sa ilang nagtitinda ng ulam at kanin at kung ano-ano pa sa HRep canteen.

Nakupo, totoo ba ‘to?

***

Feeling “bossing” daw si alyas Busangot ng media office. Bakit hindi raw nagre-report sa kanya yung isang mama, kaya hindi niya isinama sa listahan ng rarasyonan ng food pack.

E bakit inilista mo yung ibang tao na nasa malayong opisina?

Busangot ka talaga!

***

Kumusta na si Mamang malaki ang buwa at si Kapirasong Hindot?