Advertisers

Advertisers

IVANA AT ANDREA KAPWA NALOKO NG LALAKI

0 3

Advertisers

Ni BETH GELENA
INIMBITAHAN ni Ivana Alawi ang young actress na si Andrea Brillantes para sa kanyang vlog
Natanong sila ng followers ng sexy actress kung ano ang “in common” nila ni Andrea.
Ani Ivana: “Parehas kaming naloko.”
Um-agree naman ang lead actress ng Senior High.
Aniya: “Parehas kaming naloko kahit ang ganda ganda na namin.”
Sambit naman ni Ivana, “Hindi lang sa ganda yun, hindi lang talaga makontento ang mga lalaki na yan.”
Kung bibigyan daw ba nila ng second chance ang mga guys na nanloko?
“Ako, sa buong buhay ko, second chance. Di na nga second eh, ilang chances. Sa ngayon, no more chance na. Kasi na-realize ko, hindi na eh, kapag pinakita na sayo, yun na yun eh,”  sagot ni Andrea
JURALD MULING PINAKILIG MGA FANS
MAY binahaging TikTok video si Julia Barretto na kasama ang boyfriend na si  Gerald Anderson.
The two of them are seen doing the ‘Bombastic Side Eye’ ns siysnh trend ngayon.
Syempre pa, muling kinilig ang  JuRald fans sa adorable TikTok ng celebrity couple.
Komento nila: “Cute ng JuRald namin.”
“Yieee JuRald.”
“Gwapo, gwapa.”
***
SYLVIA KILALA NA SI ANDREA 8 TAON PA LANG
EIGHT years old pa lang si Andrea Brillantes ay kilala na siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez.
Ayon kay Ibyang, ang laki na raw nang naging transformation ng young actress.
“Ngayon, sa sinasabi niya na nung sobrang down siya, nandun ako, nandun ang pamilya ko, nakita ko yun… Kasi, di ba, sabi ko sa iyo ‘Nak dati, maging matapang ka, kasi walang ibang tutulong sa iyo kundi sarili mo… Ang layo ng Blythe na kilala ko na eight years old sa Blythe ngayon, at natutuwa ako.”
Ayon sa mahusay na aktres, bata pa lang si Andrea ay malapit na sa pamilya Atayde ang Kapamilya actress.
Aniya, “walong taong gulang pa lang si Andrea ay madalas na itong dumalaw sa bahay.”
“Si Blythe kasi, ang relasyon namin ay hindi lang sa showbiz,”  ani Ibyang.
Patuloy niya, “Eight years old siya sa E-boy, at mula eight years old siya ay pumupunta siya sa bahay at naging barkada niya si Gela kaya sila naging close.
“Ngayon, sa sinasabi niya na nung sobrang down siya, nandun ako, nandun ang pamilya ko, nakita ko yun.
“Ngayon, tuwang-tuwa ako sa iyo. Kasi, di ba, sabi ko sa iyo ‘Nak dati, maging matapang ka, kasi walang ibang tutulong sa iyo kundi sarili mo.
“Nandiyan ang barkada, puwedeng sabihan, nandiyan ang pamilya… Di ba, sinasabihan kita iiyak lang sa Diyos yung mga pasakit na nararamdaman mo?”
Pinayuhan din ng aktres si Andrea kung paano harapin ang bashers.
“Yung mga bashers, wag mong intindihin ang mga yan, bashers lang yan.
“Maganda, pangit ang gagawin mo, nandiyan sila. Haters lang ang bashers, wala silang kuwenta sa buhay natin.”
Proud si Sylvia na makitang nag-mature na si Blythe ngayong dalaga na ito.
Magkasama sina Andrea at Sylvia sa Senior High kung saan introducing si Gela na anak ni Sylvia at kaibigan ni Andrea.