Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NASA pangangalaga ng stage actor/ director na si Vince Tanada ang sikat na komedyante na si Donita Nose.
Nagtayo na kasi ng sariling agency ang stage actor-director na tinawag niyang VTAM (Vince Tanada Artists Management) na ini-launch last September 14.
Paglilinaw ni Direk Vince na hindi niya `inagaw` ang pangangalaga kay Donita dahil sa filming lang daw niya talent ang sikat na TV host-comedian. At ibinalita rin niya na igagawa niya ng movie ang dating co-host ni Willie Revillame sa programa nitong Wowowin.
Malaki ang paniwala ni Direk Vince na panahon na raw na mag-shine ang isang Donita Nose dahil sayang naman ang kapasidad ng comedian/TV host lalo na pagdating sa aktingan at pagpapatawa.
Sabi ni Direk Vince sa pag-uusap nila ni Donita, “Ang ibig niya, kung gagawa siya ng pelikula ay siya ang magsusulat at ako ang magdidirek which is okay naman sa akin.”
Sa launching movie ni Donita ay puwede raw na si Tekla ang kanyang maging leading man.
Paliwanag ni Vince, “May chemistry ang dalawa. Kung matatandaan ninyo, silang dalawa ang bumuhay noon sa mga tao. Napapatawa nila ang mga tao dahil sa kanilang pagba-vlog nu`ng kasagsagan ng pandemya. “Nang tanungin naman si Donita kung okey lang ba si Tekla ang kanyang maging kapareha.
Aniya, “Okey lang. Walang personalan, trabaho lang.”
May issue kasi na may namamagitang hidwaan sa magkaibigan.
Samantalang may aabangan sa mga talent ni Direk Vince, ang musical play na Hero Z. Tungkol ito sa pandemya na kinatatampukan ng mga magagaling na stage actors.
Magsisimula ang kanilang play sa October 1 at magtatapos sa September 2024.
Sabi ni Direk Vince, lilibutin daw ng Hero Z ang iba`t ibang bahagi ng mundo kung saan may mga bansa na raw silang pagtatanghalan.
***
KC fans hinihiritan na ng kasal ang dyowang foreigner
KASAMA ni KC Concepcion ang boyfriend na si Steve Michael Wuethrich nang dumalo sa Solo International Film Festival kung saan ginanap ang world premiere ng pelikulang Asian Persuasion na pinagbibidahan ng only daughter nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Nag-post ang boyfriend sa kanyang Instagram Story ng, “Proud moment.” at nag-post din siya ng reels, kaya lang silhouette ang larawan nila ni KC.
Sabi ni MIke, “New York is a memorable place for many, and has become a special one for me, as well.
“Flying to the city this time for American rom-com and @soho-filmfest selection, @asianpersuasionfilm to support a special someone.”
Sa post naman ni KC ay pinasalamatan niya ang kanyang mga kasama sa movie, “The whole talented cast and crew of this once-in-a-lifetime Asian-American production.”
Pinasalamatan ng fans ni KC si Mike for being supportive and for loving their idol. Bukod pa dito ay nagbilin pa sila na alagaan ito at huwag sasaktan.
May natuwa sa comment na, “Pls. get married the soonest!”
Inaabangan na ng mga fans ni KC ang pagpapalabas ng kanyang movie sa ating bansa at nangako ng susuportahan nila ang kanilang idolo, buong cast at production.
Samantala, sa nalalapit na concert ng kanyang mga magulang na Dear Heart concert ay walang problema sa kanyang kung sino ang dapat mauna sa billing.
Importante kay KC ay muling magsasama ang kanyang mga magulang kahit isang gabi lang na kumakanta at nagtatawanan.
Kung si Sharon naman ang tatanungin ay dapat mauna siya sa billing pagdating sa pagkanta dahil mas magaling siyang singer kaysa kay Gabby.
Pero pagdating sa pelikula ay ibibigay niya raw ito kay Gabby dahil mas senior ang actor sa kanya sa departamentong ito.