Advertisers

Advertisers

Mangungutang para sa budget ng bansa, at sa confidential funds

0 21

Advertisers

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga oposisyon at kritiko ang napakalaking salapi na uutangin ng gobyerno para mapondohan ang national budget para sa taon 2024.

Mantakin mo nga naman, mga pare’t mare, sa P5.7 trilyong budget para sa sunod na taon, P2.24 trilyon ang ipangungutang para lang mapanuan ito. Ibig sabihin ay halos kalahati ang uutangin ng gobyerno para sa 2024 General Appropriations Act (GAA).

Ang Pilipinas ay kasalukuyan nang mayroong mahigit P14 trilyon na utang (higit P13 trilyon ang iniwan ng nakaraang Duterte administration) sa loob at labas ng bansa.



Kapag nakautang pa ng P2.24 trilyon ay aabot na ng P17 trilyon ang utang ng Pilipinas sa 2024. Damay ang kaapo-apohan nating lahat sa pagbabayad sa gabundok na utang na ito.

Ang pinakamalungkot rito, mga pare’t mare, malaking bahagi sa uutangin ng gobyerno at mapupunta lang sa confidential at intelligence funds ang mahigit P10 bilyon, pondong hindi natin alam kung saan lulustayin kasi hindi ito nau-audit. Fuck!!!

Mantakin mo ang mga ahensiya ng gobyerno na walang kinalaman sa national security ay may confidential funds tulad ng Department of Education (DepEd) at Office of the Vice President (OVP) ni Sara Duterte-Carpio.

Tapos kapag kinuwestiyon kung saan nila gagamitin ang napakalaking confidential funds ay sila pa ang may ganang magalit, nagwa-walkout sa pagdinig. Anong klaseng opisyal ito? Aba’y karapatan ng taxpayers na malaman kung saan gagamitin ang pondong pinag-ambag-ambagan natin. Mismo!

Ang confidential funds ay taliwas sa ipinangangalandakan ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na transparency sa pondo ng gobyerno. Mismo!



Ang katakawan nilang ito sa pondo ang magbabagsak sa kanila sa politika. Oo! Dapat tandaan ito ng taxpayers hanggang sa 2025 lalo na sa 2028 na paghalal ng bagong presidente.

Oppsss… nagsimula na ngang bumagsak ang rating ng mga matatakaw sa confidential funds!

Sa latest survey ng Publicus Asia, malaki ang ibinaba ng approval at trust ratings ni PBBM: Mula sa 62 percent approval rating ay bumagsak sa 55%, at ang kanyang trust rating mula sa 54 % ay 47% nalang.

Si VP Sara naman mula sa 67% ay 62% nalaang ang approval rating, at ang trust rating niya mula sa 61% ay 55% nalang.

Nadamay narin ang sunud-sunurang Senate President na si Migz Zubiri: Mula sa 48% approval ay 43% nalang, at ang kanyang trust rating mula sa 37% ay 33% nalang.

Gayundin ang pinsan ni PBBM na si House Speaker Martin Romualdez na may ambisyong kumasa sa pagka-Presidente sa 2028: Mula sa approval rating na 42% ay naging 37% nalang, habang ang kanyang trust rating mula sa 32% ay naging 29% nalang. Araguy!!!

Kapag nagpatuloy sa pagbaba ang approval at trust ratings ng mga politikong ito, tiyak lalayasan sila ng kanilang mga kaalyado. You know!