Advertisers

Advertisers

MTRCB chair Lala Sotto nakahahanga ang pagtitimpi sa detractors

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DAHIL sa pagpapataw ng MTRCB ng  12-day suspension sa Kapamilya noontime program na It’s Showtime ay may nagpapadala ng death threats sa chairwoman ng nasabing organisasyon na si Lala Sotto.



Pero pinalagan sila ni Cristy Fermin. Sa pamamagitan ng vlog nito na Showbiz Now Na, binalaan nito ang mga nagpapadala ng death threats kay Lala.

Sabi ni Cristy, “Alam niyo po, ‘wag po tayong nagbibitiw ng mga salita na ganyan. Alam niyo po, matakot tayo, mapagbiro ang panahon. Baka mamaya po, sa atin bumalikwas ‘yang mga pinagsasasabi natin.”

Humanga naman si Cristy sa katatagan at pananatiling tahimik ng MTRCB chair sa kabila ng matitinding patutsada sa kanya ng kanyang detractors.

“Buti na lamang napakalawak ng pag-iisip at mawalak ang puso ni chairwoman Lala Sotto.

“Nakakahiya. Ang lalakas ng loob niyong magsabi na mamatay na sana ang pamilya Sotto pero ang picture niyo tissue. Naku! ‘wag po kayong kasing tapang ng kapapanganak na tigre. Matatapang kayo? Huwad ang katapangan ninyo. Head on kay chairman Lala Sotto, magpakita kayo ng mukha. Hindi po ‘yung ganyan. Peke po ‘yung katapangan ninyo,” diin pa niyang sabi.

***



NAPANOOD na namin ang teaser ng pelikulang In His Mother’s Eyes mula sa 7K Studio na bida sina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos at sa direksyon ni FM Reyes.

Sa nasabing pelikula,  gumaganap sina Maricel at Roderick bilang magkapatid. At si LA naman ay bilang anak ni Maricel na isang special child.

In fairness, ang husay ng tatlo sa pelikula. Sa confrontation scene nina Maricel  at Kuya Dick, lutang ang kanilang pag-arte. Hndi sila nagpakabog sa isa’t isa.

Si LA din ay nagampanan nang buong ningning ang kanyang role. Para talaga siyang isang tunay na special child. Na ayon sa kanyang mommy Flor, dumaan muna siya sa acting workshop bago isalang sa shooting ng kanilang pelikula para maging effective sa kanyang role na nangyari naman.

Intended ang pelikula sa MMFF 2023. Sana ay mapili ito ng screening committee ng taunang film festival.