Advertisers

Advertisers

Pulis, 2 sibilyan sugatan sa ambush

0 8

Advertisers

ISANG pulis at dalawang kasamang sibilyan ang nagtamo ng mga sugat nang pagbabarilin habang sakay ng isang Toyota Fortuner sa Barangay Parangbasak sa Lamitan City, Basilan nitong Biyernes.

Kinilala ang mga biktima na sina Staff Sgt. Jun Jabbal Arasal, at Rene Tanasain, Arastud Asisoy.

Ayon sa Lamitan City Police Station, may mga saksi na itinuturo ang isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na si Lipunan Docol at isang kasapi ng Civilian Volunteer Organization na si Lim Amaran ang responsable sa pananambang.



Inaalam pa ng mga imbestigador ng lokal na pulisya kung ano ang motibo ng dalawa sa pag-ambush kina Arasal.