Advertisers
MAINIT ang patutsada nitong mga miyembro ng Kamatayan ehem, Makabayan bloc pala, diyan sa Kongreso hingil sa confidential funds ng tanggapan ni Vice President at Education Secretary Inday Sara Duterte.
Kahit nagpaliwanag na ang Pangalawang Pangulo, sige pa rin sa pang-gugulo ang Kamatayan Este Makabayan Bloc, bakit ba ko lagi nagkakamali sa pangalan ng blokeng ito ng mambabatas na kabilang din sa komunistang-teroristang samahan na CPP-NPA-NDF?
Sentro na lang muna tayo sa kanilang isyu laban Kay Inday Sara. Sa kahaba-haba nga raw ng prusisyon sa Simbahan din ang dating nito.
Parang ganito ang nangyari sa kasisigaw ng mga umanong alingasaw raw sa Office of the Vice President dahil nga sa confidential o kung Minsan ay tinatawag na intelligence fund.
Nauwi ito Hindi sa Simbahan kundi sumabog sa kanilang mukha at sa kanilang mga bibig na rin nanggaling na “WALA” pala silang hawak na matibay na pruweba sa pondong ito.
“We have no proof right now, pero may mga questions tayo. Kaya nga gusto nating magtanong eh. Kaya gusto nating mag-ungkat kung ano talaga yung nangyayari dito,” ang paliwanag ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosassa isang virtual na press conference.
Eh sa pati nga ang making pag-gamit raw ng P125 million ng pondong ito noong nakaraang 2022 eh sa kanila rin galing.
Tapos, eto sila’t nagsasabing WALA pala silang pruweba o ebidensiyang matibay para mapatunayan ang kanilang mga paratang. Anong klaseng usapan o’ diskusyon ito? Para lamang ba makagawa ng ingat?
Kailangan nilang mag-ingat dahil unti-unti nang nauubos aang armado nilang samahang CPP-NPA-NDF. Dahil kung hindi nila ito gagawin, kasama silang malulusaw ng mga komunistang-terorista nilang samahan.
Maging si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, eh lumambot na din at sinusugan ang pahayag na iyon ni Brosas. Ayaw niya rin palawagin pa ang kanyang mga pahayag.
Bandang huli, titigil ang mga ito panandali, at saka uli mag-iingay para di makalimutan ang kanilang mga pangalan ng ating mga kababayan.
Eto ang flex ko, kung ang Kamatayan, ehem, Makabayan Bloc pala, ang atin namang tatanungin? Sasagot kaya sila?
Eto ang tanong – ang mga pondo niyo bang nakuha sa Kamara bilang kinatawan ng mga Partylist ay ibibigay niyo ba sa CPP-NPA-NDF para ipangbilinng kanilang mga armas para pumatay ng kapwa Filipino?