Advertisers

Advertisers

2 motoristang Moros patay sa pamamaril

0 7

Advertisers

PATAY ang dalawang motoristang Moros sa pamamaril sa sentro mismo ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, Lunes ng gabi, September 25, 2023.

Kinilala ang mga biktima na sina Sendig Badradin Asi at Ali Sulayman Maulana.

Sa ulat ng Datu Odin Municipal Police Station, galing sa palengke sa Barangay Poblacion ng Datu Odin Sinsuat at pauwi na ang mga biktima sakay ng kanilang mga motorsiklo nang lapitan ng isang lalaki at pinagbabaril ng maraming beses.



Ayon kay Major Regie Albellera, hepe ng Datu Odin Sinsuat MPS, parehong dead on arrival sa pagamutan ang dalawa.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang pumatay kina Asi at Maulana.