Advertisers

Advertisers

Kim sinagot na ang isyu kaya ‘di sumipot sa kasal ni Maja

0 21

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SUMAGOT na si Kim Chiu regarding sa isyu kung bakit hindi siya naimbitahan sa kasal ni Maja Salvador nung Hulyo.
Ngayon nga lang nasagot ni Kim ang pilit na pag-urirat sa kanya sa di nito pagpunta sa special day ng kaibigan
Matatandaan na solid ang friendship nina Kim at Maja noon
Pero dumating ang isang pagkakataon na nabiyak ang kanilang solidong pagkakaibigan.
Dahil ito kay Gerald Anderson na unang naging gf si Kim at dahil kaibigan ay knows lahat ni Maja ang pangyayari.
Pero nung nag-break na sina Kim at Gerald ay siya namang entra ni Maja sa puso ng aktor.
Kaya feeling ng mga tagasuporta ni Kim na natraydor at naahas siya ng kaibigan at doon nagsimula ang pagkasira ng kanilang friendship.
Sinagot na nga ni Kim ang pag-urirat kung bakit si siya naimbitahan ni Maja sa kasal nito kay Rambo Nuñez.
Diretso at wala nang paliguy ligoy pa na sinabi Kim na di siya naimbitahan.
***
MTRCB nangako…
Joey De Leon naireklamo rin sa litanyang lubid
MUKHANG nakarating na sa pamunuan ni Chair Lala Sotto ng MTRCB ang litanyang nabitawan ni Joey De Leon sa segment ng E.A.T. na Gimme 5.
May tanong kasi kung ano nga ba ang limang bagay na sinasabit sa leeg.
Di man intensyon ay pabiro naman nitong sinabi na lubid at wag daw itong kalimutan sabay ngisi.
Nangako ang MTRCB lalo na ang pinuno nito na si Lala na kanilang rerebyuhin ang nasabing episode noong September 23.
Naikonek ito sa naging isyu ng It’s Showtime na may mga netizen na sumisigaw na maging patas ang nasabing ahensiya.
Kaya may review sila na gagawin sa nasabing episode kung talagang nakalabag ang litanyang nabitawan ni Joey.
Well, well, well …’Yun na!