Advertisers
NAGBITIW sa pwesto ang Obispo ng Diocese of San Pablo Laguna, sinabi ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon sa inilabas na pahayag ng CBCP, mismong si Pope Francis ang tumanggap ng pagbibitiw ni San Pablo Diocese Bishop Buenaventura Famadico para bigyan daan ang pagpapagaling nito sa tulong ng Simbahan nang makitaan ng sakit sa puso.
Bilang kanyang kahalili, itinalaga ng Santo Papa si Bishop Mylo Hubert Vergara ng Diocese of Pasig bilang Administrator ng Diocese of San Pablo.
Si Bishop Vergara ang kasalukuyang Vice President ng CBCP at pansamantalang mamahala sa San Pablo habang hindi pa nakakakita ang Simbahan ng permanenteng Obispo. (Jocelyn Domenden)