Advertisers
NAPAGTAGUMPAYAN ni Filipino ace Alex Eala ang malamyang simula upang manaig laban kay Kyoka Okamura ng Japan,0-6,7-5,6-0, para umusad sa semifinals ng women’s singles sa 19th Asian Games Miyerkules.
Tumagal ng dalawang oras at 72 minuto para idispatsa ang Japanese bet at itakda ang laban kontra either Qinwen Zheng ng host China or Sohyun Park ng South Korea.
Matapos na flat sa opening set, nakuha ni Eala ang kanyang rhythm sa second frame, nagkamit si Okamura ng tatlong double faults tungo sa 7-5 equalizer.
Tabla sa 4-4,ang 18-year-old Eala ay napanalunan ang dalawa sa sumunod na three games para makuha ang 6-5 lead sa penultimate set bago ipataw ang kanyang pakay sa huling laro at ipuwersa ang winner-take-all Set 3.
Bago ang quarterfinals, Eala ay unstoppable at nakakuha ng bye sa opening round bago mangibabaw kontra Sarah Ibrahim Khan ng Pakistan at Rutuja Bhosale sa second at third rounds.