Advertisers
Ni Rommel Placente
UMALIS na si Carla Abellana sa pangangalaga ng Luminary Talent Management owned by Popoy Caritativo. Lumipat na siya sa All Access to Artists (AAA). Noong Martes ng gabi, pumirma na siya ng kontrata rito.
Ayon kay Carla, in good terms pa rin sila ni Popoy kahit umalis na siya sa management nito.
Sabi ni Cala,”More or less, more than 2 years din po ako under Luminary Talent Management. Maayos naman po akong nagpaalam kay Popoy. Of course, pumayag naman po siya. Hindi naman po niya ako talagang pinigilan or anything. Wala naman pong away or misunderstanding or anything.”
Patuloy niya,”So I’m very grateful, of course, na maayos naman po ‘yung aking pag-exit,’yung pagpapaalam ko po sa kanya.
“And of course I will always be grateful naman sa lahat ng trabaho, ng sacrifices, lahat ng effort, all the hardworks na binigay po ni Popoy at naitulong niya sa akin.
“Maganda pa rin po naman ang aming relationship. And I think, hindi na po mababago yun. Parang ganon.
“So,wala naman pong anything or wala naman pong away na naganap. Kumbaga, naghanap lang po ako basically ng change. i was just looking for change.
“Parang naramdaman ko po na marami pa akong gustong gawin, may mga gusto pa akong subukan. Parang nararamdan ko po na sa ibang management ko magagawa yun.”
Pero may mga nagsasabi na may kinalaman ang ex-husband ni Carla na si Tom Rodriguez sa pag-alis niya sa poder ni Popoy. Si Tom kasi ay si Popoy din ang tumatayong manager. Kumbaga, since hiwalay na raw sina Carla at Tom, kaya ayaw na raw makasama ng huli ang una sa iisang management.
Pero ayon kay Carla, wala ‘yung katotohanan.
Paliwanag niya,”Actually parang hindi naman po. Kasi kung dahil po ru’n, dapat nu’ng umpisa pa lang po, umalis na ako sa Luminary Talent Management. But of course, you know, professional po akong tao. Hindi naman po ako basta-basta aalis po ng Luminary kung dahil lang po sa reason na ‘yun po.
“And of course, the same with Popoy. Nagtrabaho pa rin po kami ni Popoy, at least nag-years pa rin po. Pinulfill ko pa rin po ang aking mga commitment, kontrata po.
“So, hindi naman po dahil doon. Wala pong kinalalaman yun. Dapat noon pa po, ginawa ko na yung aking pag-alis, pag-transfer. Nothing to do with that,” diin pa niya.
Samantala, nilinaw din ni Carla na walang katotohanan ang napababalita na magiging part na siya ng FPJ’s Ang Batang Quiapo ni Coco Martin.
“Kung bibigyan po ako ng oppportunity, why not? I’d like to be part of Batang Quiapo. Pero wala naman pong offer. Wala pong inaalok sa akin na maging parte po ng Batang Quiapo.
“Sa ngayon, wala naman pong offer na maging parte ng kahit anong mga proyekto. Pero kung yayayain po ako., kung aalukin po ako, magiging open po ako roon.”