Advertisers
PAMBUNGAD sa kabubukas na NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION (NCAA) Season 99 ang victorious win (85-79) ng JOSE RIZAL UNIVERSITY (JRU) HEAVY BOMBERS over COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN (CSJL) sa idinaos na opening ceremony nitong Linggo sa MALL OF ASIA (MOA) Arena.
Malaking inspiration ito sa RIZALIANS especially sa tropa ni NCAA Season 99 Management Committee Chairman PAUL SUPAN. Ang over- a- century old JRU ang host ngayon ng oldest collegiate league sa bansa. Sa true lang po, sino ang hindi mai-inspire sa record nilang masilat ang defending champ LETRAN KNIGHTS sa first match ng Season 99?
Umpisa pa lang naman ng season, bukas na bukas ang oportunidad para sa bawat koponan para umariba at magtrabaho to the max para sa mithing titulo eventually, but then, sabi nga, iba na ang nakauna. Abangan ang pagsipa at ibayo pang sagitsit ng JRU HEAVY BOMBERS ngayong Season 99 ng NCAA. Kung kaya nilang isulit ang hosting year ng JRU in the exciting days ahead, let’s see and enjoy the fun of watching the NCAA games. Good luck!
AI SPORTSCASTERS, DAGDAG-ATRAKSYON NG GMA
HUMIHIRIT ang GMA Network na ang bagong pakilala nilang ARTIFICIAL INTELLIGENCE TECHNOLOGY AI SPORTSCASTERS na sina MAIA at MARCO ay ‘pandagdag at hindi pamalit sa human aspect ng NCAA coverage’ bilang sagot sa duda ng ilan na baka maapektuhan nito o mapalitan ang trabaho ng tao dahil lang sa initiative na sabayan ng Media ang AI tech.
“ The special participation of our AI Sportscasters is just part of the exciting plans we have for NCAA Season 99. MAIA and MARCO were introduced to complement not to replace the human aspect of our coverage’, mensahe ni GMA Network Senior VP & Head of Integrated News, Regional TV and Synergy, OLIVER VICTOR B. AMOROSO.
‘AI presenters lang sila at hindi mamamahayag, hindi bilang journalists’. Umaani ng iba-ibang reaction at interpretation ang plan. Matagal na tayong pinasok ng AI technology at gamit ito sa foreign countries kaya kailangan umano nating makipagsabayan at iisipin na lang kung paano i-enhance ang skills ng human aspect whatever effect may rise.
Attetion-catching ang isang punto na “Kung may masamang dulot ang AI sa industriya, the next question will be, WHAT EDITORIAL AND ETHICS RELATED MEASURES MUST BE DONE?’ Wala nga kayang undesirable effect ito sa isang overpopulated country na malaki ang EMPLOYMENT DEMAND? What do you say, mga Ka-Isport?
SEPTEMBER GREETINGS
MANY HAPPY RETURNS of the DAY to MAYOR BENJAMIN S. ABALOS of Mandaluyong City LGU, (September 21). Salute and warm wishes po, more birthdays to come and best blessings for your great accomplishments as the ‘FATHER OF MODERN MANDALUYONG’. HAPPY 8th BIRTHDAY to EURHIE P. EVANGELISTA of Cabanatuan City.
Maraming salamat po sa isa pang matulungin at matapat na employee ng FIVE STAR BUS COMPANY na si MICHAEL REYES (Bus No. 3365) na nag-save ng naiwang payong sa labas at inabangan pa ang may-ari, simpleng kabutihan but appreciable. Sana all. HAPPY READING!