Advertisers

Advertisers

PBBM, Mayor Honey namahagi ng bigas sa ‘Pantawid Pamilya Households’

0 20

Advertisers

MAGKASAMANG namahagi ng bigas sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Manila Mayor Honey Lacuna ng bigas para sa ‘Pantawid Pamilya Households’.

Ang pamamahagi ng punong ehekutibo ng bansa at ng alkalde ng Maynila ay ginawa sa San Andres Sports Complex in Manila.

May kabuuang 1,000 benepisyaryo mula aa lahat ng panig ng lungsod ang tumanggap ng 25 kilo ng bigas bawat isa.



Ang nasabing subsidiya ay bilang ayuda sa pamilyang nakapaloob sa nasabing programa.

Ang pagtitipon ay dinaluhan din nina Fifth District Representative Irwin Tieng, members ng the Department of Social Welfare and Development’s Central at NCR Offices pati na ang mga kawani Manila Department of Social Welfare sa ilalim ni Re Fugoso.

Pinasalamatan ni Lacuna si Pangulong Marcos para sa nasabing ayuda at sinabing lahat ng uri ng suporta ay welcome sa Maynila basta para sa kapakinabangan ng mga residente ng lungsod. (ANDI GARCIA)