Rider ng Angkas PH nagka-instant bahay at lupa
Advertisers
Antipolo City – Bilang pasasalamat at pagkilala sa mithiing pagandahin ang buhay ng mga matatapat na riders, ang nangungunang ride-hailing service sa Pilipinas, ang ‘Angkas’, masayang ipinagkaloob nito ang isang bagung-bagong bahay at lupa sa isa sa mga matatapat nitong riders na si elibo amatiaga. Ibinigayang naturang gantimpala sa katatapos na angkas pasasalamat gala kung saan limampung mga nangungunang riders ng Angkas ang pinarangalan dahil sa natatangi nitong paglilingkod, katapatan at kasipagan.
Hindi makapaniwala si Eliboy na isa sa pinakamatagal nang rider ng Angkas nang tawagin ang kanyang pangalan upang tanggapin ang premyong bahay at lupa na nasa Antipolo. Luha ng kasiyahan naman ang naging tugon ni Elboy at ng kanyang pamilya nang tanggapin ang naturang gantimpala na siyang magsisilbi nilang bagong tahanan.
Ang sermonya na ginanap noong ika-22 ng Setyembre, 2023, araw ng biyernes ay magdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ni Eliboy at ng kanyang pamilya. Inaasahan na ang bagong lupa’t bahay na ito ay magdudulo ng kasigurohan at kapanatagan sa nararapat lamang makamit ng kanyang pamilya na nagpapasalamat sa masigasig na pamamahala ni Angkas CEO George Royeca na patuloy na nangangarap para sa kinabukasan at dignidad ng pamayanang kanyang pinaglilingkuran.
Nagpahayag naman si Mr. Royeca ng kanyang naisin na mapabuti ang mga Angkas riders dahil aniya, “sa Angkas, naniniwala sila sa pagbabalik ng kabutihang ipinamalas ng kanilang mga riders, na may malaking ginampanan sa aming tagumpay”, ani Mr. Royeca, hindi nila maaaring palampasin ang dedikasyon at katapatan ni eliboy sa angkas kung kaya hindi sila nangiming pagkalooban si Eliboy at kanyang pamilya ng isang bagong tirahan. Ito ani Royeca ay isang paraan lamang ng kanilang pagkilala sa walang kapagurang pagsisikap ng kanilang mga riders.
Napuno ang gabi ng Angkas pasasalamat gala ng mga hindi makakalimutang karanasan, kasiyahan, pagkilala at pasasalamat sa kanilang mga riders na gumanap sa napakahalagang papel sa kuwento ng tagumpay ng angkas. Ito anila ay isang patotoo sa tungkulin ng Angkas na bigyan ng magandang bukas ang buhay ng kanilang mga riders.
Ipinapakita naman ng pagiging isang simpleng Angkas riders na ngayon ay isang may maipagmamalaking may-ari ng bagong bahay at lupa na si Eliboy ang pangarap ng Angkas na makapagbigay ng mga uportunidad sa mahihirap. Kumakatawan din ang pangyayaring ito hindi lamang sa bumago sa buhay ng pamilya ni Eliboy kundi isang pangyayari na nagpapatunay sa pagkakaisa sa pagitan ng Angkas at mga rider nito.