Advertisers

Advertisers

SOLAR POWERED IRRIGATION PROJECT NG NIA…

0 2,636

Advertisers

Puspusan ngayon ang NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) sa pagpapagawa ng mga SOLAR POWERED IRRIGATION PROJECT sa 183 na mga lugar sa ating bansa bilang pag-asiste sa pangangailangan ng mga magsasaka.

Sa impormasyong inilabas ni NIA ACTING ADMINISTRATOR ENGR. EDDIE GUILLEN ay nakakalendaryo na sa taong 2024 ang mga proyekto at may karagdagan pang 791 na potential sites para sa SOLAR POWERED IRRIGATION PROJECT upang mapagserbisyuhan ang may 39,694 ektaryang AGRICULTURAL LAND sa buong bansa.

Ngayong taong 2023 ay may 147 potential sites para sa solar power na nagkakahalaga ng P1,643,583,002.., na may 17 solar projects na ang makumpleto ng NIA na nagugulan na ng P117,369,002 hanggang nitong September 15, 2023. Ang mga proyektong ito ay makapagdudulot ng reliable irrigation water supply sa 830 ektaryang AGRICULTURAL land sa buong bansa na 801 magsasaka at kanilang mga pamilya ang magbi- benepisyo.



Ipinagpapatuloy ng NIA ang pagpapagawa ng SOLAR POWERED IRRIGATION PROJECTS bilang innovative technology na pamalit sa magastos na diesel pumps lalo pa ngayong panahon na napakataas ng presyo ng gasolina kumpara sa teknolohiyang solar panels, pumps, electronic pump controllers, storage tanks at conveyor system ay mas higit na makatitipid sa gastos kapag solar power ang gagamitin.

Ilan sa mga lugar tulad ng MALAMIG, BUSTOS, BULACAN.., ang BUSPAN SOLAR PUMP IRRIGATION SYSTEM ay nakapagseserbisyo sa 350 ektarya at 329 farmers ang nagbi-benepisyo.., na ang ANBUSPA SOLAR PUMP IRRIGATION SYSTEM sa TIBAGAN, BUSTOS, BULACAN ay nakapagseserbisyo sa 1,209 ektaryang sakahan na 1,200 farmers at kanilang mga pamilya ang naging resulta sa matagumoay na KAPATIRAN SOLAR PUMP IRRIGATION SYSTEM sa SAMPALOC, SAN RAFAEL, BULACAN. Ito ang PILOT SOLAR PROJECT ng NIA REGION III sa liderato ni REGIONAL MANAGER ENGR. JOSEPHINE SALAZAR na may 115 SOLAR PANELS na may 60 kwp capacity ang naipagawa at nagsu-supply ngayon ng tubig sa 150 ektaryang sakahan sa SAN RAFAEL, BULACAN

Sa CALABARZON REGION ay may 44 farmers ng SIKAT IRRIGATORS ASSOCIATION, INC ang nagbi-benepisyo ngayon sa turned-over solar irrigation project ng Municipality of CAVINTI, LAGUNA at ang TALAONGAN PUMP IRRIGATION ay nakapagsu-supply ng tubig sa 50 ektaryang sakahan sa BARANGAY SILANGAN, TALAONGAN.., na ang MASIKAP SOLAR PUMP IRRIGATION PROJECT sa BARANGAY PAG-ASA, MABITAC, LAGUNA ay 13 ektaryang sakahan ang nadudulutan ng tubig para sa 33 farmers ng MASIKAP-CANAW FARMERS IRRIGATORS, INC.

Para sa taong 2024 ay may P1,720,984,000 ang inilaan para sa SOLAR IRRIGATION PROJECTS sa 183 na mga lugar sa buong bansa na maseserbisyuhan ang 2,168 ektaryang sakahan at may panukala pang P30 bilyon na halaga ng SOLAR POWERED IRRIGATION PROJECTS ang kakailanganin para sa karagdagan pang 791 na mga lugar upang masuplayan ang 39,694 ektaryang sakahan sa buong bansa.., na ito ang magiging malaking katulungan para sa masaganang rice production sa bansa at suporta ito sa TOP PRIORITY ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR para sa FOOD SECURITY.

Bahagi ng mandato para sa SUSTAINABLE IRRIGATION SERVICE sa mga FILIPINO FARMER ay pinagtutuunan ngayon ng NIA ang mga RENEWABLE ENERGY sa pamamagitan ng SOLAR, FLOATING SOLAR at HYDROELECTRIC POWER PROJECTS para sa kasalukuyan at sa FUTURE IRRIGATION SYSTEMS!



***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.