Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
VIRAL ang ipinakitang sipag ni Bea Alonzo sa isang video na ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang nangangahoy sa kanyang farm.
May caption itong : “Just another day at the farm collecting fallen branches from the recent typhoon and piling or stacking them. This practice safeguards our farm from possible wildfires in the future. Organizing them can also inspire us to create something useful, like making fence sections on our farm. Minsan, kahit bahay kubo pwede din. Pwede ding gamitin panggatong sa pagluluto =
#Farming #BeaTheFarmer”
Marami namang marisol ang nag-react sa kanyang video.
May mga nang-okray sa aktres na kahit diumano nagsisipag ay hindi naha-haggard at napapanatili ang freshness.
Hirit nila, glamorosa pa rin ang hitsura ng aktres na hindi napapawisan kahit nakabilad sa araw.
Bagama’t may mga pumuri sa pagiging mapagmalasakit ng aktres sa kalikasan, may mga dudoso namang nagsuspetsa na ang kanyang pasilip ay bahagi ng isang campaign o endorsement.
Ito ang ilan sa komento ng kibitzers.
“Si Bea lang yung maganda kapag nangangahoy. Ako haggard eh! =-=c’”h-”=”
“Pagkahuyin mo yan ng 8 hours at paahon=mukng pagod siguro pero beauty pa din”
“Parang ang bango pa rin tingnan kahit nangangahoy at fresh ang ganda pa.. kung ako amoy usok,haggard pa ang pangit na hahaha..”
“Tayo nga na maarawan lang amoy dragon na eh. =”
“Nag aayos din naman ako ng mga pang gatong pero bakit hindi ako ganyan kaganda? Mukha akong haragan =”
“Love you, Bea. And I appreciate you doing some works talaga sa farm mo. Pero sana when you brand yourself as #BeaTheFarmer, sana yung legit work and not for the cam. Make it raw and real. This looks so glossy and well-directed, almost an ad na nga. Wala namang right or wrong. Just that, kinda romanticized lang ang farming if you present it this way while in fact, maski mga backyard farmers lang di naman ganito.=B hi I hope you don’t take this negatively.d’”h-””
“Baka nga part yan ng endorsement nya sa pcso kasi minsan sya na mismo gumagawa ng campaign shoot sa mga iniendorse nya….”
“I personally think she is just promoting how work in the farm can be very beneficial as it can prevent wildfires, and healing as well as one gets to witness nature’s wonders. Hindi naman talaga ito iyong literally working in the farm, kasi mahirap iyon! It’s just promotion for the farm and what a wonder like she is can do in her own way, not unless career na niya talaga! Maybe she is just starting! Pabalik na tayo muli sa Agriculture so why not! God bless. =O=<7=>p”
“The most fashionista farmer ever >”
“Bakit ganon? Pag ako naglinis sa labas, mukha akong pawis na unggoy. ===Þ”