Advertisers

Advertisers

FEU binulabog ng bomb threat!

0 3

Advertisers

Nabulabog ang mga estudyante at kawani ng isang kilalang unibersidad sa University belt dahil sa banta ng pampasabog na natanggap mula sa Facebook page nito.

Sa ulat ng MPD-District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU), 3:00 ng hapon nitong Miyerkoles nang mabasa ng isang FEUCSO Member ang bomb threat sa One Piyu Community Facebook page mula sa anonymous sender.

“May mamamatay mamaya dahil pasasabugin na rin and Arts Building ng FEU! Damay damay na kayong lahat mga walang puso at awa,” ito umano ang nakasaad sa post.



Dahil dito, agad na ibinahagi ang post sa lahat ng FEUCSO88 group chat upang iangat ang kanilang kamalayan hinggil sa banta.

Ini-screenshot din ang post at ipinagbigay-alam kay Ret. PBGen Marcelino Pedrozo, ang security manager.

Agad ding rumesponde ang mga tauhan ng MPD-DECU at nakipag-ugnayan kay Jesus M Bondoc, Security Supervisor ng SCI Security and Investigation Inc. upang magsagawa ng search procedure sa buong Arts building.

Gayunman, walang nakitang anumang pampasabog sa naturang unibersidad.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">