Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA usapang kasal na di naimbitahan si Kim Chiu nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ay inihayag ng TV host actress singer na di ito big deal.
Kahit imbitahan daw siya ay di naman titigil ang kasal at walang ganun pakli pa nito sa isang panayam
Kaya wala kay Kim kung ininvite siya or hindi sa kasal nina Maja at Rambo, believe it or not ay happy na rin ito sa nangyari sa dating kaibigan na si Maja sa pag-iisang dibdib kay Rambo.
Deserved naman daw nila pareho na lumigaya sey pa ng Tsinitang aktres.
Nakapag-usap nga raw sila at sinabi ni Maja na ipinagdarasal daw nito ang agarang paggaling ng Ate ni Kim
Okey na sila pero di na sila ganun ka- close pero na-touch naman ang gf ni Xian Lim kay Maja.
***
AI or Artificial Intelligence kinatakutan ng mga news anchor at reporters
DAHIL sa AI na ginamit ng sportscasters ng NCAA na pinasimulan ng GMA, maraming naalarma dito at dahil sa husay ng technology ay marami na ngang gumagawa nito.
Kahit nga si Kaladkaren at kasama ay nagpasaring sa huli nitong spiel na tao raw siya at di AI.
Kahit ang kasamahang si Mikee ay kurutin pa raw ay tao si Kaladkaren sabay lakad na parang robot.
Umani naman ito ng samu’t sari na reaksyon sa netizens.
Dahil nga sa husay ng teknolohiya aba ay di posible na maisip nga ito ng mga network if ever gusto lang nila makatipid.
Marami namang abangers na baka ipauso na rin ang AI sa mga darating na panahon dahil kina Maia at Marco na mga AI na sportcasters.
Well well, well…’Yun na!