Advertisers

Advertisers

Mag-inang Singaporean timbog sa P76m cocaine sa NAIA

0 44

Advertisers

AABOT sa P76 milyong halaga ng iligal na droga na dala ng mag-inang Singaporean ang nasabat ng mga operatiba ng PDEA-IADITG at NAIA Customs sa NAIA Terminal 3, Pasay City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Siti Aishah Binte Awang, 63 anyos, restaurant waitress; at anak niyang si Nur Alaviyah Binti Hanaffe, 39, make-up artist.

Kapwa pasahero ang mag-ina ng Qatar Airways Flight QR 928 mula Doha, Qatar na dumating sa bansa.



Nadiskubre ang cocaine na inilagay sa malalaking capsule sa lata ng biskwit, canister, at mga kahon na itinago sa ilalim ng kanilang luggage.

Kabuuang 14,360 gramo ang timbang ng mga nasabat na cocaine na may street value na aabot sa P76,108,000.

Ang mga nasabat na cocaine ay na-iturn-over na sa PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon, habang dadalhin ang mag-inang inaresto sa PDEA main sa Quezon City para sa malalimang imbestigasyon.

Mahaharap ang mag-ina sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165, Comprehensive Drug Act of 2002; at RA 10863, Customs Modernization and Tariff Act. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">