Advertisers

Advertisers

Maricel pinayuhan sina Charlie, Alexa, Loisa at Elisse, ‘wag siyang katakutan

0 17

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGING close at itinuturing ni Maricel Soriano na parang tunay na mga anak sina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio at Elisse Joson, na kasama niya sa seryeng Pira-Pirasong Paraiso.
“Nautuwa ako kasi wala akong anak na babae, ‘di ba? Mga lalaki ‘yung anak ko, kaya kapag nakakakita ako ng girls, ‘Ano ‘yung like mo? Ano ‘yung feel mo? O tapos, kwento ka pa,’ sabi ni Maricel tungkol sa pagkakaroon niya ng chance na makatrabaho ang apat na bidang babae sa sa serye.
Ang anak na mga lalaki ni Maricel  ay sina Marron at Sebastien.
Patuloy niya,”Tapos ini-interview ko sila. Kinakausap ko sila parang mga baby ko, anak-anakan.”
Feel na feel daw ng premyadong aktres ang takot at pagkailang sa kanya nina Elisse, Charlie, Loisa at Alexa lalo na kapag magkaeksena sila.
Kaya naman talagang ginagabayan niya ang mga ito nang bonggang-bongga para mas ma­ging maganda ang kalabasan ng kanilang mga eksena.
“Nahihiya sila, sabi ko, ‘Huy! Huwag naman kayo ganyan. Hindi naman ako nangangagat!’ para matawa sila. Hindi ko alam bakit ganu’n.
“Kapag kinakausap ko sila, sabi ko, ‘Don’t be intimidated, don’t be. ‘Yan ang tatanggalin n’yo kasi makakasira ‘yan sa acting n’yo,” chika pa ng Diamond Star.
***
BALIK-PELIKULA na si Iza Calzado pagkatapos niyang isilang noong January 26, 2023 ang panganay na anak nila ni Ben Wintle na si Deia Amihan.
Kasama siya bilang isa sa mga bida sa Shake, Rattle & Roll Extreme ng Regal Films.
”It’s been over a year since I had to take a pause and announce, of course, the comeback is real,” sabi ni Iza nang hingan ng pahayag tungkol sa muling paggawa niya ng pelikula.
Patuloy niya,”Ang bilis, parang hindi ako masyadong nagpahinga. Ang ganda lang, ang pagbabalik ng Shake, Rattle & Roll, pagbabalik ko rin sa pelikula.
“It feels great to be back working and my expectations, honestly, kapag gumagawa ako ng isang proyekto, ayokong masyadong maglagay ng expectations kasi nakaka-pressure. Let’s enjoy the day.
“Ako, I enjoyed the process of making the film. I enjoy this, being with all of you today, promoting the film,”aniya pa.
Wish  lang ni Iza na sana ay panoorin ang kanilang pelikula kapag naipalabas na ito. At  hindi lang daw ito ang sana ay tangkilikin kundi lahat ng local films na ipalalabas.
“Ang dasal, ang aking hiling sa Panginoon ay sana marami ang makapanood ng pelikulang ito.
“Actually, ang hiling ko is beyond Shake, Rattle & Roll Extreme.
“It’s for the entire industry na sana magbalik na ang ating mga kapwa Pilipino sa panonood ng sine, ng pelikula.”