Advertisers

Advertisers

ONLINE PROSTITUTION

0 23

Advertisers

HELLO. Ito ang bungad ng isang netizen na babae sa netizen na lalaki. Hindi sila magkakilala, pero dito nagsisimula ang kanilang talastasan sa social media. Sa sandaling sumagot si lalaki, tuloy-tuloy na ito at hahantong ito sa pag-aalok ng babae ng sarili sa lalaki. Ngunit may kapalit dahil wala nang libre ngayon.

Ito ang mundo ng online prostitution na nauso mula ng sumibol ang paggamit ng social media. Diretsong usapan sa pamamagitan ng social media. Wala nang bugaw na namamagitan sa usapan ng babae at parukyano. Iniaalok ng babae ang sarili kapalit ang P2,000, P3,000, o P5,000. Magkikita ang babae sa piniling lugar at tuloy tuloy na ito.

Nakakatanggap kami paminsan-minsan ng mga ganyang kalatas sa mga babaeng kahit sa guni-guni ay hindi namin nakita at nakilala. Hindi namin alam kung ano ang kanilang batayan sa inyong linkod. Hindi kami may kapangyarihan tulad ni Robin. Hindi kami kasing guwapo tulad ni Piolo Pascual (may kaunting hawig lang) na pawang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Ang alam namin ay naghahanapbuhay sila sa social media. Pero hindi kami mayaman para tumugon sa alok.



Hindi namin alam kung gaano kalala ang online prostitution. Walang datos na maipakita upang patunayan ang aming sapantaha. Tanging mga anekdota at kuwento-kuwento ang aming hawak at ilang manaka-nakang insidente ng alok sa amin ng mga babaeng pinaghihinalaan namin na nagbebenta ng panandaliang aliw.

Hindi namin alam kung may pag-aaral ang mga expert sa ganitong kalakaran sa social media. Alam namin na may mga akademiko nang gumawa ng pag-aaral sa mga nangyayari sa social media. May mga expert na gumawa ng masusing pag-aaral sa idinulot na buti at masama na aral sa mga netizen na gumugugol ng mahabang oras sa social media.
***
SA TAKBO ng mga nangyayari, hindi malayo na lumusob ang Tsina sa Filipinas. Tanging ang military alliance sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos ang nagsisilbing balakid upang mag-isip-isip ang Tsina sa kanilang maitim na balak. Kinamkam ng Tsina ang ating karagatan at teritoryo, tinayuan ng artificial island ang ilang isla na nasa loob ng ating exclusive economic zone (EEZ), ninanakaw ang ating yamang dagat, nilalason at sinisira ang ating mga bahura (coral reef), at niyuyurakan ang ating dangal.

“Pananakop” ang tawag ni Gibo Teodoro, ang kalihim ng Tanggulang Bansa. Nakakatakot isipin, ngunit maganda na may paghahanda tayo sa ganitong posibilidad. Hindi dapat magpatumpik-tumpik dahil sa malinaw ang intensiyon ng Tsina sa Filipinas. Tanggapin na natin ang posibilidad na ibinenta tayo ni Gongdi. Siya ang makabagong Makapili dahil traydor siya sa bansa. Batid namin na may masusing paghahanda ang DND sa maaaring mangyari sa bansa.

Samantala, patuloy ang ilang nagpapanggap na Filipino sa kanilang pagtatanggol sa Tsina. Hindi na namin babanggitin ang kanilang pangalan dahil ayaw namin na sumikat sila at tumaas ang kanilang taripa kapag binabakbakan. Sapat na sabihin namin na kilala namin sila. Hindi sila puedeng magkaila o magsinungaling sa amin. Kilala naming ang mga taksil sa bayan.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “The President hears a hundred voices telling him he is the greatest man in the world. He must listen carefully indeed to hear the one voice that tells him he is not.” – Harry S. Truman

“One of the first lessons a president has to learn is that every word he says weighs a ton.” – Calvin Coolidge



“A lawyer friend whom I’ve met and known since my days as an upstart in journalism has sent me a missive which I feel I should share to other netizen-friends. Please read: ‘It’s OFFICIALLY no longer cool to be overworked and under-relaxed. The ‘I’m so busy’ brag is done, and the ‘I never work nights or weekends’ is what all the entrepreneurs and big executives are preaching. The happiest and most successful people are those who are able to take all their vacation days. They spend every evening at home with their family, not working at all. Napping is a common thing, and they always get 8 hours of sleep.’” – PL, netizen
***
HANGGANG ngayon, hindi binibigyan ng U.S. Embassy ang mga Pinoy na may larawan sa social media na naka-fist salute, o iyong saludo ni Duterte. Ang tingin ng Embahada ay pro-China ang mga iyon tulad ni Duterte. Hindi isinusugal ng mga consul na Amerikano ang kinabukasan ng kanilang sariling bansa sa mga elementong pro-China.

May sinabi ang isa namin na kaibigan tungkol sa ugali ng U.S. Embassy: “U.S. consuls have enormous leeway when it comes to approvals or denials of visa applications by Filipino nationals who want to go to the US. The area of discretion of U.S. consuls is quite enormous. Their actions on visa applications could be whimsical at times. But it’s their country. They can do what they want. Digoons should understand it,that is if they have the circumspection. Ang hirap lang makaintindi ng mga digoon. Those who have pix doing the fist salute stand rejection of their visa application. They don’t approve of the authoritarian tendencies.”

Isa pa namin kaibigan ang may salita: “Don’t do fist salute. US bans Duterte supporters because they could be killers too. Worse, they are pro-China, and that’s a big no-no.”

May sinabi ang kaibigan namin na si Ba Ipe: “After the denial of US visa to a Filipino seaman who has a social media post doing the fist salute, what’s next? I would not be surprised if it’ll be Schengen visa.covering 25 European nations. Just thinking aloud.”

***

Email:bootsfra@yahoo.com