Advertisers
Matapos ianunsiyo ng SUPREME COURT na ang 14 na BARANGAY na dating inaari ng MAKATI CITY GOVERNMENT ay nasa hurisdiksiyon ng TAGUIG CITY GOVERNMENT ay nagtatamasa na ng SAGANANG BENEPISYO ang mga residenteng legal na nasasakupan ng TAGUIG CITY.
Hindi pa man nagsisimula ang pasukan ay naramdaman na ng mga NEW TAGUIGEÑO ang tunay na kalinga ng nasabing lungsod nang matanggap nila ang magagandang uniporme at sapatos galing sa PROBINSIYUDAD para sa kanilang mga anak.., na ang mga ito ay nasa tamang sukat ng mga bata, hindi kagaya ng mga natanggap ng mga MAKATI RESIDENT na naging dahilan pa nga ng pag-alsa ng maraming magulang sa social media laban sa pamunuan ng lungsod na pinangungunahan ni MAYOR ABBY BINAY at bukod sa mga bonggang uniporme at sapatos ay nakatanggap din ng mga school supply ang mga bagong chikiting ng TAGUIG.
Pero.., hindi pa nagtatapos diyan ang pagbuhos ng mga biyaya sa mga NEW TAGUIGEÑO.., dahil ang mga SENIOR CITIZEN naman na may edad 60 hanggang 99 ay nakatanggap na rin ng BIRTHDAY CASH GIFTS — mula P3000 hanggang P10,000, depende sa edad—mula sa PROBINSIYUDAD.
Tumataginting naman na P100,000 ang natanggap ng kada CENTENARIANS na nagdiwang ng kanilang kaarawan.., syempre pa, dahil mahalaga sa administrasyon ni MAYOR LANI CAYETANO ang kaginhawaan ng mga TAGUIGEÑO , ay mismong ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ang nagpunta sa mga bahay ng mga NEW GRANDFATHER at GRAND MOTHER ng TAGUIG upang ibahagi ang mga nasabing BIRTHDAY CASH GIFT.
Maging ang mga NEW TAGUIGEÑO na COLLEGE STUDENTS ay nabiyayaan din. Halos 400 na sa kanila ang nakatanggap ng SCHOLARSHIP ALLOWANCE sa ilalim ng LIFELINE ASSISTANCE FOR NEIGHBORS IN NEED (LANI).
Pito ang inooffer na scholarship ng TAGUIG sa ilalim ng LANI PROGRAM, kung saan ang mga kwalipikadong estudyante ay nakatatanggap ng mula P15,000 hanggang P110,000 kada taon.., WOWWW sana matularan ito ng mga LGU lalo na sa METRO MANILA.
WOW NA WOW dahil dukod sa allowance ay nakakakuha pa ng karagdagang P5,000 ang isang benepisaryo kung ang kaniyang semestral weighted average ay hindi bababa sa 88.75.., na unang batch pa lamang ito ng mga LANI SCHOLAR sa mga EMBO BARANGAYS, kung kaya’t inaaasahan na marami pang estudyante ng mga nasabing lugar ang makalalasap nitong mga benepisyo sa ilalim ng programa.
Hindi lang yan.., pati ang mga may sakit at higit na nangangailangan sa buhay sa mga EMBO BARANGAY ay nakabahagi na rin sa katakot takot na biyaya na binubuhos ng lokal na pamahalaan sa mga TAGUIGEÑO.
Nakatanggap na rin sila, hindi lamang ng tulong medikal, kundi pati na rin ng cash at non-cash assistance mula sa PROBINSIYUDAD na makatutulong ng malaki sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.
Tunay na nauunawaan na nga ng mga residente sa EMBO BARANGAYSs na iba magmahal ang Taguig.., kaya naman e hindi katakataka kung gayon na lamang ang kanilang sinasabi na.., WE LOVE TAGUIG NGAYON!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.