Advertisers
Ni BETH GELENA
HINDI agree ang netizens na ang in-issue na statement ng MTRCB ay para lang sa imbestigasyon ng controversial na Gimme 5 Segment sa E.A.T.
Hindi raw yun sapat at ano raw ba ang next move nila kay Joey de Leon pagkatapos ng imbestigasyon?
Ang reaksyon ng netizens ay na-pressure at napilitan lang daw ang sangay ng ahensiya.
Anila pa: “Investigation lng ang aabutin ng E.A.T, wag na umasa sa sanction na ipapataw malabo yun guys..lam niu na”.
Pati ang isyu kay Wally Bayola ay inungkat din ng netizens.
“yung kay bayola nga eh until now under investigation pa din kahit overwhelming ang evidence lmao”
“Ayan. They’re being fair.”
“Sana nga Lala”
“Anong fair dyan? Eh sa showtime nga, suspension agad ang gusto!! Pero sa E.A.T. investigation lang??”
“Maraming nag complain about Showtime. Many sent emailed messages to MTRCB.”
“mas marami ang nagcomplain sa MTRCB about Joey’s “joke” thru emails and social media and yet, investigation lang?? Talk about BS”
“Pakitang tao kasi napipilitan. Pag matanda na, mag resign na!”
“they didnt really do their job kasi kung ginawa nga nila eh di sana may subpoena, suspension, or punishment against Joey de leon right now or immediately. Hndi ung inabot ng ilang araw and yet investigation lang. While ung sa iba, automatic suspension n agad sila. Kasuka ka lala sotto”
“Suspension pra fair!”
“Reaction agad? Do you know how serious this is and insensitive to other people specially those who have lost their loved ones from suicide? You obviously HAVE NO IDEA.”
“Ang Julius Babao naman ng isyu! Lahat na lang ba MTRCB???!!!”
“Inumpisahan nila sa its showtime eh. Fair enough”
“After investigation dapat may suspension din. Then kasuhan si JDL, gaya ng ginawa nila kay Vice”
“Sa totoo lang mas malala pa ito than the cake incident.”
Sigaw ng nwtizens:
“Suspend!! Suspend!! Suspend!! Suspend!! Suspend!!”
“HE HAS NO DECENCY. NOT THE FIRST HE’S BEEN CALLED OUT. SUSPEND HIM PERIOD. INSENSITIVE. WHO PUTS A RIPE AROUND THEIR NECK OTHER THAN….HE HAS NO COMMON SENSE PERIOD NOR SENSITIVITY TO WHAT HIS ILL COMMENT WILL EFFECT THIS SENSITIVE MATTER … BE FAIR MTRCB!!!!”
“May pagka disturb mind ang isang tao para i-downplay at gawing joke ang suicide, depression, anxiety, etc.”
***
CLAUDINE PINABULAANANG MAY AWAY KAY LA GRETA
DINENAY ni Claudine Barretto na may away sila ni Gretchen Barretto.
Ini-screenshot ng aktres ang video call niya kay Gretchen at Joaquin, ang dalawa niyang kapatid.
Sinulatan niya ito ng caption na “I miss u both terribly. I luv u my Ate & Kuya jjbarretto sooo much.”
Pagpapatunay ito na wala silang hidwaan ni La Greta tulad nang sinasabi sa comment sections ng kanyang account.
Komento ng netizen, “Finally, I’m sooo happy to see you guys hugging and kissing, reconcile. Praise God.”
Sagot ni Clau: “Thank you sweetheart pero di kami nagkaproblema or away ng ate ko. Di lang talaga kami nagkikita because nag-shooting ako ng LOYALISTA.”
May sagot din siya sa netizen kung bakit wala siya sa wedding noon ng pamangkin na si Dominique Cojuangco, ang anak ni Gretchen.
Esplika niya, “Lock in shooting po ng LOYALISTA movie.”
Uhmmm… na-curious lang po. Matagal nang kinasal si Dominique kay Michael Hearns. And if I am not mistaken e March pa sila kinasal.
At now lang lumabas na may hidwaan ang magkapatid, until now ba nagsu-shoot pa rin ng Loyalista movie si Clau?
Paki-explain lang po!!
***
Dahil nag-aayos ng make-up
ANDREA DI NAMALAYAN KASABAY SA ELEVATOR ANG ENHYPEN K-POP
NANGHINAYANG si Andrea Brillantes dahil hindi niya alam na ang nakasabay niya sa elevator ay ang sikat na K-Pop band sa South Korea, ang Enhypen.
Nasa Milan, Italy si Blythe na first time um-attend ng fashion week doon. Pagbabahagi ng young actress, habang nag-aayos ng kanyang makeup, nakasabay daw niya sa elevator ang KPop boyband na Enhypen. Aniya, hindi niya napagtanto na Enhypen daw pala ang kasabay niya.
Aniya pa, wala raw talagang nakikitang pores sa kanila.
Sa kanyang GRWM video na binahagi niya sa TikTok ay nabanggit niyang hindi niya agad napansin na Enhypen pala ang nakasabay sa elevator.
“Nakasama ko pa sa elevator ang Enhypen which was so funny and frustrating at the same time coz I didn’t realize na Enhypen na yung kasabay ko. Narealize ko lang nung nakaalis na.”
Dahil sa kanyang experience, maraming Kpop fans ang napa-sana all.
“OMG Enhypen sana nkapag picture ka sa kanila Beh sinalo mo na lahat ng kaswertehan sa mundo.”
“Blythe and Enhypen in one elevator?!?!! how lucky you are.”
“Inggit much. Pero SAYANG!”