Advertisers
SA layuning madisiplina ang mga tiwaling miyembro ng Pambansang Kapulisan ay nag-isyu at nagpalabas ng mga direktiba si Philippine National Police (PNP) PDGen. Benjamin Acorda Jr. matapos na italaga sa puwesto ni Pangulong Ferdinanand “Bongbong” Marcos Jr. noong Abril 24 ng taong kasalukuyan.
Isa sa kanyang mga direktiba ay ang “No Take Policy” na nag-aatas sa mga opisyal at kagawad ng PNP na bawal tumanggap ng pabor o suhol, materyal na bagay man o salapi kaninuman, lalo na sa mga iligalistang financier o operator ng mga bawal na sugal tulad ng jueteng, lotteng, pergalan (perya at sugalan), sakla, o iba pang iligal.
Upang magka-ngipin ang utos, inilabas din ni PDGen. Acorda Jr. ang “One-Strike Policy” na ang layon ay sibakin sa puwesto ang mga tatamad-tamad at pabayang ground commander tulad ng regional , district, provincial director at police chief na mahuhulihan ng mga pasugal sa kanilang area of responsibility (AOR).
Bilib tayo kay Nationan Capital Region Police Office (NCRPO) Director BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., dahil sa lahat na police regional commander sa buong bansa, siya ang kauna-unahang tumalima at nagpatupad ng “No Take at One-Strike Policies” na ipinag-utos ni PNP Chief Acorda Jr.
Mula nang matalaga bilang Metro Manila top cop ilang buwan na ang nakararaan, mahigpit ang naging tagubilin ni PBGen Nartatez Jr. sa lima nitong district director at mga chief of police ng 13 siyudad at isang munisipalidad na isa-puso’t isagawa ang dalawang kautusan na ito ni PDGen Acorda Jr., dahil ang pagsuway o di pagsunod dito’y kapalit ay ang kani-kanilang mga puwesto.
Ngunit sa kabila ng mahigpit na kautusan ng NCRPO head ay may ilang Metro Police Chief pa din ang sumusuway sa “No Take at One -Strike Policies” na pinaiiral at hindi ginagawa ang kanilang tungkulin laban sa illegal gambling na sinasabayan pa ng droga, katulad na lamang sa mga siyudad ng Paranaque, Las Pinas at Malabon.
Sa Paranaque City ay lantaran ang operasyon ng lotteng at shabu trade ng isang JOY na hanggang sa mga kasulok-sulukang lugar ng 16 na barangay ay naglisaw ang mga kubrador at maging sa city hall, police station at iba pang mga government office.
Namamayagpag din ang pa-lotteng ni ONIE NINONG sa 20 barangay ng Las Pinas City samantalang sa lungsod ng Malabon ay ratsada din ang lotteng at EZ 2 bookies ni alyas Gen Abo-Sayaf o aka Gen Abo Gago.
Sa siyudad ni Paranaque Mayor Eric Olivarez, hindi tuwirang masasabing tumatanggap ng suhol o intelhencia o dili kaya ay sumusuway si Police Chief Col. Reycon Garduque ang “No Take Policy” pero papaano niya maipaliliwanag kay PDGen. Acorda Jr. at PBGen. Nartatez Jr. ang hindi masawatang lotteng operation ng “Metro Manila Lotteng Queen” na si JOY na harap-harapan ang pagpapakubra ng lotteng bet pero hindi siya (Col. Garduque) kumikilos para ipalusob ang rebisahan o safe house ng notorious na gambling/ drug maintainer na ito?
Ganon din sa siyudad ni Las Pinas Mayor Imedlda Aguilar na sa bawat barangay ng lungsod ay may mga kabo at kubrador si ONIE NINONG ngunit sa kabila ng pagkahuli ng may 15 nitong kubrador ay hindi din malansag ni City Police Chief Col. Jaime Santos ang iligal na pa-lotteng ng tinatawag din na “salot” ng Las Pinas dahil karamihan sa kubrador ni ONIE NINONG ay tagapagbenta pa ng shabu ng naturang Filipino-Chinese gambling/drug lord.
Kailangang magpadala na ng special police team sina PDGen. Acorda Jr. at PBGen. Nartatez Jr. sa hurisdiksyon ni Southern Police District Director PBGen. Rodericlk Mariano upang magsagawa ng anti-illegal gambling drive sa Paranaque City at Las Pinas City at kung hindi ay mananatiling balewala ang iniisyu nilang “No Take at One-Strike Policies”, sa ganitong paraan lamang maaring kumilos sina Col. Garduque at Col. Santos.
Kaya naman napakalakas ng loob nina JOY at ONIE NINONG sa kanilang lotteng operation ay dahil protektado sila ng isang CHARLIE na nagpapakilalang malakas kina PBGen. Nartatez Jr. at PBGen Mariano at kumukuha ng linnguhang tara o lagay na ipinagyayabang nito (CHARLIE) na idine-deliver sa isang top SPD at NCRPO official sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Pinanghahawakan nina JOY at ONIE NINONG ang pangako ni CHARLIE na hindi huhulihin ng kapulisan at maging ng National Bureau of Investigation (NBI) operative ang kanilang lotteng operation.
Masyado nang “nangangamoy” ang mga pangalan nina PBGen. Nartatez Jr. at PBGen. Mariano sa kagagamit ni CHARLIE sa kanyang kolek-tong activities, pero ang nakapagtataka’y tameme lang sila? Bakit hindi kumikilos upang ipahuli at kasuhan ang salot na si CHARLIE. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144