Advertisers

Advertisers

Kathryn inalat sa takilya ang bagong pelikula?

0 23

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAKAKA-sad naman na ang Box-office Queen na si Kathyrn Bernardo at tila hindi pinalad na pasukin ang kanyang film na A Very Good Girl kasama si Dolly De Leon
Sey ng chika belle, super hina as in puwede raw maghabulan sa loob ng sinehan.
Tila ang ningning ni Kathryn ay lumamlam daw sa movie na ito sa kabila na super sipag siya sa pag-promote ng kanilang pelikula.
Kakaibang atake naman daw ang karakter na kanyang ginampanan sa nasabing film.
Inalat daw si Kathryn para sa A Very Good Girl.
Ano na naman kaya ang hanash ng mga fans ni Liza Soberano sa result ng film ni Kathryn?
Dahil na rin siguro sa halos lahat ay tutok na sa socmed kaya di na raw masyadong pansin ang mga new film.
True naman na socmed na ngayon ang tutok ng buong mundo na halos lahat kasi nandun na.
***
Manay Lolit thankful sa patuloy na sumusuporta sa kanyang pagpapagamot
KUNG dati ay once a week lang ang dialysis ng talent manager na si Manay Lolit Solis.
Sa latest medical update ng kanyang pagda-dialysis ay nadagdagan pa ito ng araw.
Aba, ngayon ay three times a week na ang session ng dialysis ng beteranang kolumnista.
Of course, dahil Manay Lolit na ito ay marami naman itong alaga na nakaagapay at handang sumuporta sa kanya.
Siyempre sa pangunguna na ni Senator Bong Revilla na lagi nitong pinasasalamatan.
Biniro pa nga si Manay Lolit ng isang reporter nang tawagan siya nito na bakit daw di pa gawing 5 times a week ang dialysis nito.
Well, well, well… ‘Yun na!