Advertisers
NATAGPUANG walang buhay ang isang lalaki na umano’y inatake ng kaniyang mga alagang aso sa Talisay City, Cebu nitong Huwebes.
Kinilala ng mga kamag-anak ang 68-anyos na biktima na si George Mayol.
Huli siyang nakitang bumibili ng pagkain para sa mga alaga 3 araw na ang nakakaraan.
Patay na nang matagpuan ang biktima sa isang maliit na banyo sa kaniyang bahay sa Sitio Molila, Barangay Lawaan 1. May mga sugat ito na pinaniniwalaang marka ng kagat, habang gula-gulanit ang kaniyang damit.
“Noong Hulyo 2022, nabiktima rin umano ng “dog attack” ang biktima, dahilan para magkaroon sya ng ilang “severe” na sugat,” ayon kay Cprporal Clifford Lerio, imbestigador ng Talisay Police.
Hinihinala limang asong alaga ng biktima ang umatake sa kaniya. Inoobserbahan pa ang hayop sa city pound.