Advertisers
ARESTADO ang isang magsasaka nang umastang sundalo habang naka-uniporme ng Philippine Army na may nakasukbit pang baril sa baywang at pagala-gala sa isang parking area sa Dasmariñas City, Cavite, Miyerkoles ng gabi.
Kasong paglabag sa Usurpation of Authority, Illegal Use of Uniform and Insignia at Republic Act 10591 o illegal possession of firearms in Relation to Omnibus Election Code ang kinakaharap ni Sherwin Memije, 39 anyos, ng Sitio Pintong Gubat, Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat, isang residente ang nagsumbong sa mga nagpapatrolyang sina Police Master Sergeant Eve Lodripas at Police Staff Sergeant Leodegario Quinto Jr. ng Dasmariñas City Police Station tungkol sa isang lalaki na nakasuot ng uniporme ng sundalo at paikot-ikot sa parking area ng 7 Eleven convenience store sa Barangay Paliparan 3 bandang 9:00 ng gabi.
Nang sitahin ng mga pulis, nabistong hindi ito miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kundi isa itong magsasaka.
Narekober dito ang isang caliber 38 na revolver (Armscor).